Over October
Ikot
[Chorus]
Paikot-ikot lang mula nung mailang
Gawa ng 'yong tingin at ngiti
'Di sinasadyang mahulog, mahibang
Aasa na tayo sa huli

[Verse 1]
Aaminin ko ba?
O baka bigla lang mawala?
Kung ano mang pumapagitan sa'ting dalawa
Naiisip mo ba
Sa mga oras na tayo'y magkasama
Kung ano tayo sa buhay ng isa't isa?

[Chorus]
Paikot-ikot lang mula nung mailang
Gawa ng 'yong tingin at ngiti
'Di sinasadyang mahulog, mahibang
Aasa na tayo sa huli

[Verse 2]
Araw-gabi
Tanging ikaw ang nasa isip
Kahit laman ng panaginip ay ikaw
Ang aking hiling
Tumanda nang ikaw lang ang kapiling
Habang buhay ay pipiliin ko ikaw
[Chorus]
Paikot-ikot lang mula nung mailang
Gawa ng 'yong tingin at ngiti
'Di sinasadyang mahulog, mahibang
Aasa na tayo sa huli

[Interlude]
Oh, oh-oh, oh-oh, oh-oh
Oh, oh-oh, oh-oh, oh-oh

[Bridge]
Paulit-ulit na lang sinasabi
Pero 'di ko naman pinaninindigan, oh-oh
Palaging nagdadal'wang isip
Paulit-ulit ko lang sinasabi
Sa sarili ko ang mga hindi
Mabitawang salita para sa'yo

[Refrain]
Ikaw lang at ikaw ang sinisigaw
Ng puso kong 'di mapakali
Ikaw lang at ikaw ang sinisigaw
Pag-ibig ko'y sana mapansin
Ikaw lang at ikaw ang sinisigaw
Ng puso kong 'di mapakali
Ikaw lang at ikaw ang sinisigaw
Pag-ibig ko'y sana mapansin
[Chorus]
Paikot-ikot lang mula nung mailang
Gawa ng 'yong tingin at ngiti
'Di sinasadyang mahulog, mahibang
Aasa na tayo sa huli