[Verse 1]
Gabi nang masilayan kang muli
Bumalik ang lahat nang makita ang iyong ngiti
[Pre-Chorus]
Nag-aalinlangan nung aking nalamang
May iba na sa'yong tabi
Nagkakailangan sa t'wing naaalalang
May pagtingin ka rin sa'kin
[Chorus]
Ba't 'di pa pinagtagpo?
Puso'y gulong-gulo
Huli na ba ngayon?
'Di pa sinabi no'n damdaming tinago
Sa iba na ang 'yong puso
Kung pwede pa tayo, pasabi kung oo
'Di ko na palalampasin
Ba't 'di pa pinagtagpo?
Puso'y gulong-gulo
Huli na ba ngayon?
[Verse 2]
'Di ka ba mapapaisip? ('Di ko masabi)
Hawak niya ang iyong kamay
Pero nasa'kin ang iyong tingin
Bitin na bitin
[Pre-Chorus]
Nag-aalinlangan nung aking nalamang
May iba na sa'yong tabi
Nagkakailangan sa t'wing naaalalang
May pagtingin ka rin sa'kin
[Chorus]
Ba't 'di pa pinagtagpo?
Puso'y gulong-gulo
Huli na ba ngayon?
'Di pa sinabi no'n damdaming tinago
Sa iba na ang 'yong puso
Kung pwede pa tayo, pasabi kung oo
'Di ko na palalampasin
Ba't 'di pa pinagtagpo?
Puso'y gulong-gulo
Huli na ba ngayon?
[Instrumental Break]
[Outro]
Damdaming nagkasalisi
Pwede bang mabalik
Aking sasalubungin?
Damdaming nagkasalisi
Pwede bang mabalik
Aking sasalubungin?
Damdaming nagkasalisi
Pwede bang mabalik
Aking sasalubungin?
Ba't 'di pa pinagtagpo?