Shiloh Dynasty
Untitled ramblings
Natatandaan ko pa nung kong natuklasan
Ang hiwaga sa ilalim ng iyong karilagan
Aral na mula sayo, lagi kong tatandaan
Sumisikat din ang araw pagkatapos ng ulan
Kahit langit ang pumigil satin
Mananatili kang mahalaga para sa akin
Di aalis sa iyong tabi kahit na masakit, di bale na kung masakit
Na mga salita ang pinipilit mong wikain sakin
Kaya kahit ano pa man
Ang ating hahantungan
Ako pa rin ito na pilit ka pa ring hahandugan ng
Awit kahit di makikinig sa akin
Luha kahit pa sabihin mong wala ka nang pakialam at
Patuloy na magbabakasakaling balang araw
Ay kayaning bumitaw kahit ngayo’y malabo pa sa langit ang ako ay pagbuksan
Pwede ba kong pagbigyan
Mahawakan ang iyong kamay kahit sandali na lang