Shiloh Dynasty
Biruan
Naiyak buong gabi puro nalang pighati
Tulo ng luha saking balikat ay hindi parin natutuyo sapagkat labi mo'y nadarama ko pa
Hindi na makabangon sapagkat sayo ay nadapa

Ramdam ko pa ang iyong init sa tuwing
Ako’y kailangan mo'y hindi parin tumatanggi
Kahit alam na bingit ang lahat
Sayo parin ako ay nakagat
Habang tuwang tuwa ka sa laro na ako ang taya

Hindi mo na sinasagot ang mga tawag ko dumadalas na ang gabi na wala ka sa tabi ko
Tanging tunog ng boses mo dinig kahit saang anggulo
Ang isip ay gulong gulo hindi alam ba't ganito?

Siguro nga’y nahulog na sa ating biruan
Lumalamig na ang gabi
'di mo ba nararamdaman?
Pwede bang yumakap kahit ito'y kunwarian nalang?
Labis mo 'kong sinasaktan na parang ako'y laruan

(Interlude)

Hindi alam kung saan ko ba sisimulan
Ang bukas na dumarating sobrang dilim ng dadaanan
Tatahakin ang lungkot sa huling gabi na tayo ay mag-kaakbay, mag kahawak ang kamay
Pero saglit lang ay bibitaw nadin
Humarap sa salaming
Nakasulat ang iyong pangalang napakatamis
Sobra kang nakakamiss

Sana ako ay naalala mo kahit isang laro nalang lahat
Dapat nga siguro'y maligo nalang sa likidong
Kasing lamig ng iyong mga yakap sa gabing naging alila sa napaka ganda mong damit
Pero hindi ko akalaing hindi ko na makakamit kasi

Ayos naman tayo dati
Magkasama palagi
Pero hindi ko mawari ang nangyari
Parang bata na nag lalaro sa kwartot naiwanan ng magulang
Ang tanong saking sarili kung saan ako nag kulang