Janine Teñoso
Kapit
Haftway House, you know what I mean?

[Chorus: MC Einstein, Janine]
At kung sakaling 'di na
Kayanin ay andirito lang ako
At 'di ka hahayaan pang mahilo
Basta't kapit ka lang sa aking kamay
'Di kita pababayaan oh woah oh oh

[Verse 1: MC Einstein]
Akong bahala sa iyo, oh oh oh
Hindi kita iiwan kailanman
Ano mang pagdaanan mo, oh oh oh
Ay andyan para hirap ay mabawasan
Paminsan-minsan ay kailangan
Din natin na nahihirapan
'Di madali na maranasan
'Wag kalimutang may kinabukasan
Pang dapat na silipin at alalahanin
Lahat ay kaya natin

[Chorus: MC Einstein, Janine]
At kung sakaling 'di na
Kayanin ay andirito lang ako
At 'di ka hahayaan pang mahilo
Basta't kapit ka lang sa aking kamay
'Di kita pababayaan oh woah oh oh
[Verse 2: Janine, MC Einstein, both]
Huminto, pwede kang magpahinga
Halika, 'pikit mo ang 'yong mga mata, ah
Babalutan ang napaso
(Dala-dala) ang bigat sa iyong braso
Tatapusin ang takbo kahit malayo
Hay, ayos lang kung sumabay
Meron kang kasabay
Lumingon ka sa tabi, oh

[Chorus: MC Einstein, Janine]
At kung sakaling 'di na
Kayanin ay andirito lang ako
At 'di ka hahayaan pang mahilo
Basta't kapit ka lang sa aking kamay
'Di kita pababayaan oh oh oh woah~

[Bridge: MC Einstein & Janine]
Kung biglaan kang napagod
At sa'yong ulo'y napakamot
Tatandaan na may kahapon kang nalampasan at nang umaga'y nakabangon (Eh)
At kahit na anong ibato sa'yo (Eh)
'Wag kang yuyuko, 'taas ang noo (Eh)
Bangon patayo, harapin mo 'to
Malakas ka baka nalimutan mo
[Chorus: MC Einstein, Janine]
At kung sakaling 'di na
Kayanin ay andirito lang ako
At 'di ka hahayaan pang mahilo
Basta't kapit ka lang sa aking kamay
'Di kita pababayaan, oh, mm~hmm

[Outro: MC Einstein, both, Janine]
Ka-ka-kahit anong mangyari kayang-kaya
Kahit anong mangyari kayang-kaya
Kahit anong mangyari kayang-kaya
Kayang-kaya, oh~oh~oh~oh~oh~oh
Kahit anong mangyari kayang-kaya (Kayang-kaya)
Kahit anong mangyari kayang-kaya (Kayang-kaya)
Kahit anong mangyari kayang-kaya
Kayang-kaya, oh~oh~oh~oh~oh~oh