Clara Benin
Solomon
[Verse 1: TJ de Ocampo]
Noong ika'y dumaan
Anong  nakita ko?
Hindi  ko alam
Basta naramdaman
Basta natuklasan
Ang  boses mo’y waring
Bulong  ng puno
Sa umagang kay tahimik
At  doon ko narinig
Ang awit ng pag-ibig

[Chorus: TJ de Ocampo]
O irog, dinig mo ba?
Ang pagtibok ng aking puso
O  irog‚ dinig mo ba?
Ang pagtibok ng iyong puso

[Verse 2: Clara Benin]
Bukas kaya
Makakakain na ako?
Kung puro ikaw ang nasa isip ko
Ang hiraya mo
Sa araw-araw ko

[Chorus: Clara Benin]
O irog‚ dinig mo ba?
Ang pagtibok na aking puso
O irog‚ dinig mo ba?
Ang pagtibok ng iyong puso
[Bridge: Both]
At kahit mawala ka pa
Hinding-hindi mawawala
Ang damdamin ko'y
Sa'yong-sa'yo
Ang damdamin ko'y
Sa'yong-sa'yo

[Outro]
O irog, dinig mo ba?
(O irog, dinig mo ba?)
O irog‚ dinig mo ba?
(O irog, dinig mo ba?)
O irog, dinig mo ba?
O irog‚ dinig mo ba?
O irog, dinig mo ba?
Ang pagtibok ng ating puso