Nu'ng araw, kay tamis ng ating buhay
Puno ng saya at ng kulay
'Di mauulit muli
Ang oras, kapag hinayaang lumipas
Madarama mo hanggang bukas
'Di mababawi muli
Ang dami-daming bagay na hindi naman kailangan
Kung pwede lang, bawasan natin ang mga tampuhan
Hindi mo lang alam, hindi mo pa nararanasan
Kahapon sana natin, 'di mo na pinahirapan
Patawad muli
'Di na muli
Ang oras, kapag hinayaang lumipas
Madarama mo hanggang bukas
'Di mababawi muli ('di mababawi muli)
At natapos ang himas ng sandali
'Di kukubli, aking tinig
Nang lumipas na't 'di man lang nasabi
Salamat hanggang sa muli
Ang dami-daming bagay na hindi naman kailangan
Kung pwede lang, bawasan natin ang mga tampuhan
Hindi mo lang alam, hindi mo pa nararanasan
Kahapon sana natin, 'di mo na pinahirapan
Patawad muli
'Di na muli
Binawi ang buhay mo nang walang sabi
Binubulong ko sa sarili
Mahal kita hanggang sa huli ('di na muli)
Mahal ko hanggang sa huli ('di na muli)
Mahal ko hanggang sa huli ('di na muli)
Mahal ko hanggang sa huli ('di na muli)
Mahal ko hanggang sa huli ('di na muli)
Hanggang sa huli ('di na muli)
Hanggang sa huli
Mahal ko
Mahal ko hanggang sa huli