Sampaguita
[Verse 1]
Sampaguitang walang kaparis
Ang bango mo'y kaakit-akit
Saksi ka ng mga pusong nagsusumpaan sa pag-ibig
At ngayon ko naaalala
Ang kahapon anong ligaya
Ikaw ang bulaklak na naging kuwintas kong galing sa aking sinta

[Verse 2]
Buhat noon ang kuwintas ng aking puso
Ay patak ng luha sa pagkasiphayo
Ang irog ko'y hindi tapat sa pangako
Ang tunay na sumpa ang ikaw ang saksi, naging biro
[Verse 3]
Habang nag-iisa
Sinasariwa sa alaala
Ang sampaguita ng pagsintang
Sa puso ko'y 'di na malalanta