Iisa Pa Lamang

[Verse]
Sa dinami-dami ng aking minahal
Panandalian lamang at ilan lang nagtagal
Iisa pa lamang ang binabalikan
Alaala ng kahapong pinabayaan
[Pre-Chorus]
Sa dinami-dami ng aking nakapiling
Kung sino-sino ang umibig sa akin
Iisa pa lamang ang inaasam-asam
Ang nakalipas, 'di maaring balikan

[Chorus]
At kahit iba na ang minamahal mo
Kung sinoman ang siyang may-ari ng iyong puso
Ang bawat pangalan, kalaro't kaibigan
Iisa pa lamang ang minahal ko nang ganito

Iisa pa lamang
Iisa pa lamang
Iisa pa lamang ang minahal ko nang ganito

More by Pilita Corrales

All Pilita Corrales songs →