Naghihintay Sayo

from Hiling (2016)
Sa tuwing bumabalik

Mga alaalang nakalipas

Laging ngumingiti
Sa tuwing ika'y biglang naaalala

Ako'y nananabik

Sa bawat sandali na makapiling ka



Ano bang dahilan? 'Di maintindihan

Saan nagkamali itong damdamin ko?

Saan ka naroon?



Bakit ba nagka ganito?

Ano bang dahilan hanggang ngayon ako'y gulong-gulo

Sana'y maintindihan h'ang ngayon ako'y nasasaktan at iniwan mong naghihintay sayo



Kailan makakamit mga nananatiling panaginip?

Ang iyong pagbabalik

Walang hangganan na paghihintay

At kahit anong sakit

Hindi mapigilan ang damdamin na umaasa



Ano bang dahilan? 'Di maintindihan

Saan nagkamali itong damdamin ko?

Saan ka naroon?



Bakit ba nagka ganito?

Ano bang dahilan hanggang ngayon ako'y gulong-gulo

Sana'y maintindihan h'ang ngayon ako'y nasasaktan at iniwan mong naghihintay sayo



Kahit saan tumingin (kahit saan tumingin)

Larawan mo pa rin ang natatanaw

Dumadalas kahit saan ay nangangarap na makapiling ka sinta



Bakit nagka ganito?

Ano bang dahilan hanggang ngayon ako'y gulong-gulo

Sana'y maintindihan h'ang ngayon ako'y nasasaktan at iniwan mong naghihintay sayo



Naghihintay

Naghihintay sayo, ohhh

More from Hiling (2016)

More by Mark Carpio

All Mark Carpio songs →