[Intro]
Oh!
Oh!
[?]in ang gagong ito, dahil sa hindi ako mangmang
Putangina mo!
Sige bumunot ka!
Para hindi na magtaka ang pagsasama natin dito
Kakanain kita!
Isa lang ibig sabihin no'n, hindi mo 'ko kaya
Wala kang bayag
[Verse 1]
Naki-angkas sa giniginaw na pulang kabayo
Dala-dala na sibat ay tulang magarbo
Pinahatid ang mga malalang regalo
Ko sa utak alimango, maluwang na karo
Gitgitan na kami ng aliwin
Ng mga pangarap na hindi kaya bilhin
Marami man ang pumapantasya
Bilang lang sa daliri ang pwede tumikim
Mundong inakala ko'y laro lang
Nasimulan na maging kilala
Ko na pagkatapos sawayin ng mga karanasan na dala ko, piring sa mata
Kinagatan ang trip ng karamihan kahit na hindi madaling nguyain sa panga
Baka naman ay magyapak ka na lang 'pag nagpalit tayo ng mga sapin sa paa
[Verse 2]
Katawa-tawa na isipin, ngayon pa 'ko nadala sa pagiging
Patapon na malala sa alipin
Ang mahalaga nabawi rin
May napapala kada gising ko
Sa kama kahit na gipit ako na dumilat ay todo kayod kalabaw
Kahit na walang sahod sa lamesa, walang karapatan na mapagod
Kung 'di na kaya ibigay ni itay ang mga hiling sa dumaan na kometa
Panahon na para ilabas ang mga kaalaman na itinabi ko sa bodega
Ang usapan ba dito karera? Dala ko'y tangke na de kalesa
Bumbilya ko'y alam ko na paganahin
Ayoko na magtiyaga pa sa gasera, uh
Haring araw ay nakauwi na, ano kayang ipapakita
Ko na mukha sa buwan, nakangiwi ba o nakangiti na parang nakakita
Ng mga hitang mala-Ara Mina, pagka-doble cara, pangkaraniwan
Sa mundo na dalawa lang ang pwede pagpilian, sumabay sa alon o magpaka-salbabida, uh
Habang sila tanging hangarin, 'di na gumamit pa ng pambura
Akin ay pa'no pa ba 'ko sa sariling baho ko mapasuka
Sa dami ng palabukang bibig, 'di ko maiwasan na mapamura
Ako laban sa mga tengang panalang latak lamang ang napuna
[Verse 3]
Kaya kung bakit ba 'ko nandito?
Karaniwan na tanong ng ilan
Kahit na sa pagkabalagong nalibang
Nluwal ako para sa matinong dahilan
Kahit patapon sa ilan
Pagkakataong hiniram, nagkaro'n pa rin ng dahilan
Para umasa na dumating ang panahon ng napakalagong anihan
Pinili ang mga dapat kalabanin pero 'di kung sino ba papalagan
Bago pa gawin na katawa-tawa, pagkatao na 'di nila tipo makita pinakawalan
Mala-Romy Diaz sa sulatang pagiging bida gaganapan, sariwang era ko'y abangan
Peke ang mundo na iyong ginagalawan kung ang katotohanan ay hindi mo pa nahubaran