A B C D E F G H I J K L M N O P Q R S T U V W X Y Z #

Shanti Dope

"Sa Kahapon"

(Shanti Dope)
Sa kanya-kanyang pangarap na nakipaghabulan
Dati tayo-tayo lang sa gabi-gabing taguan
Magtampisaw sa tag-ulan na kaligayahan na punan
Kuntento na sa buhangin at sa sementong laruan
Ano mang dumating na problema, dedma
Barya lang ang katapat na tawag abot tenga
Di ko namalayan tumakbo yung panahon
Kung hindi pa ko lilingon sa dating kitak at lamesa
Dati kong mundo, palaruang malawak
Sa piling ng bawat katotong kasabay kong mangarap
Tawid din nangalab-paap, pati pa't magkayakap
Eto na ang panahon para gatong nating mag-alab. Tara!

(IV of Spades)
Bakas ng kapalaran ko, tangi kong sandata
Samahan mo ako lumingon sa kahapon
Sabay nating hagkan ang pagsalubong ng alon
Sa mga dati at ngayong magkasama
Nagpapasalamat kami sa alaala

(Shanti Dope)
Ganun pa din ang mundo
Naging makulay lang siya para sa'kin
Sa tulong ng kada berso kong inuumaga
Ako pa din 'tong kayang makisama, makitawa
Magpakalango sa nakaraan nating alaala
Madami mang padating na dapat pang yakapin diyan
Pagsubok sa piniling kapalaran parte yan
Saludo sa mga tropa na palaging nandiyan
Na kahit saan para sa dala ko makipasan
Sa ngayon, kami naman mangibabaw upang ipagbawal
Ay walang ayawan sa pinapantasyang katuparan
Nakaraang pasanin pahirapang ilarawan
Dating ingay ng tahanan, naging boses ng lansangan

(IV of Spades)
Bakas ng kapalaran ko, tangi kong sandata
Samahan mo ako lumingon sa kahapon
Sabay nating hagkan ang pagsalubong ng alon
Sa mga dati at ngayong magkasama
Nagpapasalamat kami sa alaala

Huwag kang mangamba, sa aking pag-alis
Huwag kang mangamba, sa aking pag-alis
Huwag kang mangamba, sa aking pag-alis
Huwag kang mangamba, sa aking pag-alis

(Shanti Dope)
Sila mga nagtiwala sa'kin nung wala pa ko
Alam sakayan na bago na barangay na kabisado
Sa kubeta't lababo hanggang sa TV at radyo
Nagbigyang kahulugan ng kada pagod at lalo
Bilang regalo itong awiting muna sa ngayon
Na mananatiling nandiyan mapawala ka't magkaroon
Tsaka bahala na di kasama mo ko palagi
Anumang hinaing sa pagsubok mo ko kahati
Dati nakatingala lang tayo sa mga tala
Mapag-alangang abutin, sige ako bahala
Maging halimbawa at gabay mo para maniwala
Sa'yo makakaya bilang kapatid mo kay Bathala

(IV of Spades)
Samahan mo ako lumingon sa kahapon
Sabay nating hagkan ang pagsalubong ng alon
Samahan mo ako lumingon sa kahapon
Sabay nating hagkan ang pagsalubong ng alon
Sa mga dati at ngayong magkasama
Nagpapasalamat kami sa alaala

A B C D E F G H I J K L M N O P Q R S T U V W X Y Z #


All lyrics are property and copyright of their owners. All lyrics provided for educational purposes and personal use only.
Copyright © 2017-2019 Lyrics.lol