Shanti Dope
Bata Dahan-Dahan x Nadarang
Andiyan ka na naman
Ba't ’di ko maiwasang tumingin sa'yong liwanag
Nadarang na naman sa'yong apoy
Sa mundong kinagagalawan
‘Wag hahayaang
Magaya sa iba
Kawalang-sala
May lakad ka ba mamaya?
Pwede ka ba makasama sa paggagala
Kung sakaling ’di ka pwede
Sabagay, meron din akong ginagawa
Siguro nga napapaisip ka
Ba't ako nangangamusta
Ilang araw ka nang naroon sa panaginip ko
Nag-aalala lang ako baka sa'n ka mapunta
Pero mukhang ayos ka naman
Kahit 'di na kita abalahin pa
Ilang "Ama Namin" pa ba ang dapat
Para patago kang mag-alala sakin (uh)
Habang pinapantasya lamang nila
Ay mascara mo sa gabi at
Pitaka mo sa umaga
Yung "ikaw" sa likod ng kolorete
Pa din ang nangangahulugan
Sa salitang "paraiso" para sakin
‘Wag hahayaang
Magaya sa iba
Kawalang-sala
Halika na't tuklasin
Ang mundong puno ng isip hangin
Halika na't tuklasin
Ang mundong puno ng isip hangin
Halika na tuklasin
Ang mundong puno ng isip hangin
Halika na tuklasin
Ang mundong puno ng isip hangin
May lakad ka ba mamaya
Sana madaanan mo 'ko pagkatapos
Sabihin mo ngayon ako'y makakaasang
Dito ka dadalhin ng iyong sapatos
Kung ngayong gabi lang naman ang magiging dahilan
Ay handang-handa pa din naman ako mamaos
Nakakaluwag ka man ay sa mas
Nakakalibang na paraan kita tutulungang makaraos
Bakit ka nagparamdam
Siguro ’di na kayo nilanggam
Ba’t kaya 'di niya alam
Ang ’yong halaga, kung ga'no ka kalinamnam
Iniwasan ko mang matakam nang 'di halata
Ang hirap na magpabaya
Kapag tawag na ng laman ang nagbadya
Makipaglangit-lupa ng walang taya
‘Wag hahayaang
Magaya sa iba
Kawalang-sala
Andiyan ka na naman
'Di ko maiwasang tumingin sa’yong liwanag
Nadarang na naman sa'yong apoy
Sa mundong kinagagalawan
Andiyan ka na naman
'Di ko maiwasang tumingin sa'yong liwanag
Nadarang na naman sa'yong apoy
Sa mundong kinagagalawan
‘Wag hahayaang
Magaya sa iba
Kawalang-sala