Emman
Teka Lang
[Intro]
Pabagalin muna natin ang ikot ng mundo
Pahintuin mga kamay ng oras sa relo
Dahan-dahan, dahan-dahan lang
Dahan-dahan, dahan-dahan lang

[Verse 1]
Sobrang saya dahil nandito ka na
Kahit mamaya lang ay aalis ka na rin agad
'Wag ka sanang mainis, panahon nati'y mabilis
Sandal mo muna sandali, 'di naman nagmamadali, 'di ba?
Dantay ka muna sa'kin, beh, sulitin natin ang gabi
Iyong mga problema'y itabi, labi mo sa akin idampi, at

[Pre-Chorus 1]
Kahit anong lalim aking sisisirin
Hindi na mabibitin pa sa aking gagawin

[Chorus]
Pabagalin muna natin ang ikot ng mundo
Ako'y sasayaw sa himig mo, atin ang gabi na 'to
Pahintuin mga kamay ng oras sa relo
Takasan natin ang gulo, lilipad papalayo

[Post-Chorus]
Dahan-dahan, dahan-dahan lang
Dahan-dahan, dahan-dahan lang

[Verse 2]
Dahan-dahan ka lang
Ngayon alam ko namang
Hanggang dito ka lang
Kalaban ang orasan

[Pre-Chorus 2]
Pa'no na 'ko, 'pag gabi?
'Di sana'y nang walang katabi
Sandal mo muna sandali
'Di naman nagmamadali, kaya
[Chorus]
Pabagalin muna natin ang ikot ng mundo
Ako'y sasayaw sa himig mo, atin ang gabi na 'to
Pahintuin mga kamay ng oras sa relo
Takasan natin ang gulo, lilipad papalayo

[Post-Chorus]
Dahan-dahan, dahan-dahan lang
Dahan-dahan, dahan-dahan lang

[Outro]
Ohhh, pwede bang magpahinga muna saglit?
Dahan-dahan lang
Ohhh, pwede bang magpahinga muna saglit?
Dahan-dahan lang