Mapa-pula o dilaw

Pare-pareho lang silang nanunuklaw

Ilan sa atin ay silaw
Sa pangakong huwad at hilaw



Nag-sisinungaling na nga sa harapan mo

Na niniwala ka parin na "sa atin ito"

Mapa-pula o dilaw

Pare-pareho lang silang nanunuklaw



Ang sistemang hindi na gumagana

Walang ng pro-protekta sa atin

Batas initsa-pwera



Nakatutok ang baril sa tulad natin

Hindi na nga maka-laban

Nilagyan pa ng piring



Inaalay ang kapwa para sa seguridad na huwad

Anong pumasok sa kokote mo para tumuwad?

More from The Lesser of Your Greater Friends (2017)