[Verse 1: Arpee Turla]
Ako'y namulat sa gubat na baboy ramo ang hari
Kung sa'n ibon ay bakal, puno'y nagtataasang gusali
Puso ng lion, balat ng oso dapat ay dito ka yari
Dahil tuso mga ahas, 'wag na 'wag kang magpapayari
Nadiskarte ng lagari, umaga hanggang gabi
Salungat ka, wala 'tong pake, 'di mo 'ko mapapatabi
Na marating ang tagumpay sa kabila ng kasukalan
Ng kagubatang nilakaran ko mula pa nung kabataan, uh
Ito ang Baclaran kalakaran dito kaliwa't kanan
Tabunan mo ang kahinaan, pakita mo na 'di ka nila pwede na tapakan
Ang kahirapan ay upakan hanggang bumagsak
Lumingon pabalik kung sa'n nanggaling sa utak ko 'yan sinaksak, uh
[Verse 2: Paul Cassimir]
Laman na naman ng nga usapan man, dito sa hiphop scene
Mga halimaw, beterano, bago, God and king
Yeah, ibang klase din, sanay sa digma
Walang pake sa mga peke at talangka sa mga timba
Kumawala lang sa kadena pero ako'y gano'n pa rin
Utak ko tuon lang sa paggalaw at 'di magmahangin
Umpisa pa lang ng pahina, 'wag nang pilasin, 'wag manghila
Nagtyaga, gumawa ng paraan upang umusad ang pila, yeah
Trabaho lang, man, walang personalan, yah
Respeto lamang, 'yun lang ang aking kailangan, yah
Mga paa sa lupa, walang tatapakan na kahit na sino
Down pa rin kung down sa'king pangalan, yah
[Verse 3: A$tro]
Masdan aming galaw, ibang-iba sa narinig mo
Sasakupin gamit musika Baclaran to Tundo
Tamad 'tong magpahinga, ayokong mag-antay ng bayabas
'Di na lang nang-aapak, lumalaban 'tong may patas
Praktikal lang ang buhay, may bahid ng illegal
Nangangarap din sa hinaharap, marijuana ay ma-legal
Tuss lahat ng mga peke, nakikita ko sa mata
Pabaliktad ang mga tingin, basa ko na sa mga salita
Mas pinili kong gumalaw kesa matulog o humiling
'Di hinayaang maging salungat sa pagsipag ko hinambing
Nabaliw iba sa problema, hindi sa droga
Sarili, 'di makalaya tila laging naka-kadena
[Verse 4: Lexus]
Chillin', steady lang sa aking hood
Tapos wake and bake para 'di masira mood
Sa eksena laging gutom, 'asa'n na ang food?
OWFUCK gang, iba ang pananaw pero 'di kami rude
Tableta't usok pati alak, naglalaro sa aking utak
Kanta't chongke pa din ang tinutulak
Hanggang sa mawala ang haters na isang katutak, uh
Kailangan namin gumawa ng moves
Fuck the law, sometimes you need to break the rules
Unstoppable like '96 to '97 Bulls
Natutong dumiskarte, kalsada ang nagsilbi kong school
[Verse 5: Jim Dacanay]
Trabaho lang, p're, bawal personalan
Mabagal man, walang pake hindi 'to paunahan
Sa larangan nang pag-hustle, pagmasdan mong lumaro
Magugulat ka na lamang, maiiwang tuliro
Buwaya ang galawan, tawagin mo 'kong Binay
Aabutin 'yan sila, hintayin mo ang patunay
Patay-gutom sa respeto at uhaw sa salapi
Hahamakin ang lahat hanggang sa dulo magwagi
[Verse 6: Ryke]
Ito'y trabaho lang para sa akin, walang personalan ang kaso lang
Bago ko umpisahan, pwede bang makainom kahit isang baso lang?
Para malaman ko kung kayo ba lunukin ang mga atraso ng
Mga kulang-kulang at walang bilang kayo'y isang lampaso lang
'Wag kang magmataas kung ika'y hanggang paa lang
Subukan mo na lang, magpahinga nang pahalang
Hindi 'to katuwaan, ito ay trabaho ng
Batang ginawa ang imposible sa laro at taga-Pajo lang
[Verse 7: 3rdflo']
Mr. Musika't Diskarte, oo, ako 'to, par
Plano ko matindi laging paabante
Walang arte, bawat oras ay ginto
Kung ayaw pagbuksan ng pinto, wawasakin ko
Batang Tundong may dugo ni Asiong at gulang ni Golem
Mala-Vito Corleone, galawan pailalim
Sa larong ito utak ang dapat pairalin
Pera-pera lang, lahat 'yan kayang paganahin
Trabaho lang, p're, walang personalan
Kung 'di mo 'ko trip, 'di ko kasalanan
Negosyo, kaibigan ay 'di pinaghahalo
Kung pera-pera tayo, 'pag tropa ay tropa tayo
[Outro: All]
Trabaho lang, men, walang personalan (Personalan)
Nagsisipag lang para kami ay yumaman (Yumaman)
Trabaho lang men, walang personalan (Personalan)
Mga tamad ay aming iiwanan (Iiwanan)
Trabaho lang, men, walang personalan (Personalan)
Nagsisipag lang para kami ay yumaman (Yumaman)
Trabaho lang men, walang personalan (Personalan)
Mga tamad ay aming iiwanan