[Intro]
Ito ang panahong ating hinihintay
Tayong lahat ay magkaisa
[Verse 1: Third Flo']
Uh, isang barko na pwede mong tawaging bahay
Parang bato't metal na pinaghalong tibay
Kinungkreto ang husay, ang plano'y binigyang buhay
Kinumpleto't sinanay hanggang ang hukay
Hinding-hindi sasayangin ang binigay na tiwala
Hindi sinulat sa hangin, salamat sa naniwala
Malugod kong tinanggap ang binigay na misyon
Kontribusyon sa kultura, ambag sa'ming panahon
[Verse 2]
Respeto ko ay alay, gamitin mong baluti
Upang makatakas sa sumpa ng pagkamuhi
Rap lang, walang drama, pwede sana
Bigayan lang at tayong lahat makakadama
Mundo mo'y 'wag mong guhitan ng pagitan
Sa lahat ng hamon ko'y pang-kapatiran, patagisan
Sama-sama, labo-labo, itaas mo ang kamay, 'eto na (Ating hinihintay)
'Eto na ang ating panahon
[Verse 2]
Isinilang ang bata na laki ng Tondo, Maynila
Lumaki sa hirap at aking naging mundo ay tila
Parang gubat, tiniis ang sugat, pagod at puyat
Kami'y naghintay kesa manghila
Mas piniling itulak ang misyon, ito ang ating panahon
Lumabas at hindi lang basta ako nagpa-kahon
Ito ang henerasyon ng pantay kung walang patas na sistema
Kami ang kawal sa kulturang para sa eksena
[Verse 3]
Inisip lagi, 'di pa 'yan ang huli, 'yan pa lang ang una
Bunga't sakripisyo sa tanim, pandilig ay luha
Babasagin, nagdududa aabante't 'di huhupa
Nilusong ang takot, kinalaban ang katwiran
Katangian ay pinausbong, hindi 'to nagkataon
Ang nasimulang hulugan, lagyan ng karugtong
Oras na para buksan kaya kami'y inipon
Hanapin ang sagot kesa dumagdag pa sa tanong
[Verse 4]
Amen, tinaas 'yung [?] kinain
Bumabasag 'to ng kalasag kapag nagalit
Kapitan sa tunay na buhay, tunay na 'di pwedeng sumabit
Gusto mong umangat, salitang pagyaman 'di mo nga masabi
Amin na 'to, seven-two-seven, amin'g gulo
'Di naman kilala napapatungo
'Di tatamarin kasi nga binagyo
Kami nasipag sana 'wag tumila
'Di basta-basta, hawak ang bandila
Kayamanan ko'y sariling wika ay ibalik [?] tila
[Verse 5]
Sa dinadami ng pinagdaanan namin
Ito na ang oras, kalagan ng posas
Lumubog man, tumayong mas malakas mistulang rosas
Na tumubo sa kongkreto, magsisilbing ehemplo
Sa mga talentong nahimlay, nawala ang alab at ang tyempo
Pataas ang dapat direksyon, sumagana ang misyon
Sa'kin kapareho ng bisyon ay trabaho lang
Hanggang dumating 'yung panahon na (Ating hinihintay)
[Verse 6]
Oras sinakripisyo, panahon ginugol dito
Pagmamahal sa kultura na para bang kay Kiko
Sasakyang walang preno, pa'no niyo mahihinto?
'Di 'to palpak man, sa tagumpay kami bubunggo
Bagong panahon, bagong kasaysayan
'Wag kang magduda, kami na nga ang gagawa niyan
Kaya ako nananawagan
'Wag magpabalot sa inggit, isipin mo kapayapaan
[Verse 7]
Kay tagal natin 'tong hinintay, wala nang atrasan
Ilang taon na kinulong, ngayon ay pinakawalan
Mga pintong isinara ating pagbububuksan
Tayo'y magiiwan ng markang 'di nila mapupunasan
Ingay na yumayanig sa t'wing magtitipon-tipon
Magsisilbing boses ng mga nilimot ng kahapon
Ito'y ating panahon sa ating alon sila'y sasabay
Apoy sa ating puso 'ding-hindi mamamatay
[Verse 8]
'Di tumututok sa liwanag, serbesa ko'y pag-asa
Imahe ko'y inukit sa pagsubok binalasa
Inalay ko ang puso, pangdagdag kaalaman
Utak ang ginamit sa diskarteng kalayaan
Idireksyon mo ang buhay, sagapin ang kapalaran
Gawin mong positibo ang sariling kamalayan
Ito ang panahon, 'wag na tayong panghinaan
Gawin mo ang gusto, 'wag isising napilitan
[Verse 9]
Hindi 'to nagkataon, nagmasid ng ilang taon
Buong buhay ko tinuon, 'di natakot na tumalon
Kahit sa'n man pumaroon, kumupas man ang pantalon
Mag-isip labas sa kahon, hindi humiling sa balon
Aminadong lulong at gutom, tagal kong nagkulong
Bulong ng urong sulong, ito'ng malutong na pagtugon
Pinag-usapan, pinangarap pero walang gumusto
Magsakripisyo itong hinintay ng lahat umusbong