IKOT

Because (PHL)

[Verse 1] Jnske
Ilang beses na ba nangyari satin to di na kataka-taka
Kung maulit na naman na magtalo tayo sa walang kwentang dahilan
Di ka ba nagsawa na ako'y saktan, palipas na sinasaktan
Porket alam mo na meron kang masasandalan
Ganun mo nalang ako saktan kaya wag mong

Hintayin na magsawa na ako
Sabihin mo nalang
Kung ititigil ko na 'to

Di ko alam kung pano
Nakakasawa na wala nang bago
Kung kailan natutunan mong magbago
Tsaka ka nagkaganyan para ka namang gago

Di na kita maintindihan panay ka reklamo
Ano bang nagawa bilis mo na magbago
Wala akong matandaan sayong atraso
Kung bakit tinuturing mo ako na parang aso

[Chorus] Jae K
Sandali naman
Di ko na alam kasi paulit-ulit lang
Tayo'y paikot-ikot lang

Sandali naman
Di ko na alam kasi paulit-ulit lang
Tayo'y paikot-ikot lang

[Verse 2] Yuridope
Ayoko (ayoko)
Nang makipagtalo sa iyo
Bukod sa nakakatawa na, nakakatanga pa
Halos mahilo-hilo pa ako

Paulit-ulit lang na ganito
Wala nang bagong nangyayari satin
Di mo na rin ako tinatabihan (Di na!)
Wala ka na bang gana sakin
Bakit kapag inaaya kita lagi mo kong tinatanggihan

Kung ayaw mo na edi wag mo

Ilapag mo na muna yung bag mo
Imbes na ipalo mo saakin
Bat di mo ko yakapin
Magpainit kahit na hindi bagyo

Di yung madalas pala magtalo at magbangayan
Para tayong mga aso't pusa niyan
Sumosobra ka na sakin
Ang dami mo nang kulang
Lagi mo pakong pinagiinitan
At pinagagalitan
Para wala akong tama na ginagawa
Minsan gustong sayo sabihin tama na
Yung ganitong situasyon natin parang nakakasawa na
Sa pang-aaway mo kailan ka magsasawa

[Chorus] Jae K
Sandali naman
'Di ko na alam kasi paulit-ulit lang
Tayo'y paikot-ikot lang

Sandali naman
'Di ko na alam kasi paulit-ulit lang
Tayo'y paikot-ikot lang

(Sandali naman 'di ko na alam)

Tayo'y paikot-ikot lang

(Paulit-ulit lang)

Tayo'y paikot-ikot lang

(Sandali naman 'di ko na alam)

Tayo'y paikot-ikot lang

(Paulit-ulit lang)

Tayo'y paikot-ikot lang

[Verse 3] Jae K & Because
Bakit hindi mo ba masabi
Na wala na at tapos na
Di na para ipagpatuloy pa yung mga

Kumalma ka saglit baka naman na pwede
Natatakot na kong pagdaanan to: Balete
Sa ingay natin kwarto ay biglang naging palengke
Pinapalabas mo mga halimaw sa loob ko parang Ben 10
Mahalin mo lang 'ko baby
Isisigaw ko sa lahat na parang paging
Sa dami natin na pinagdaanang mala training
Ang dami ko na rin pasa daig ko pa hinazing

Pero di naman ako galit
Di kita kayang ipagpalit
Basta sa susunod wag ka nang makulit pa ulit
Ilugar mo kung san ka magsusungit

Magtiwala ka lang sakin
Alam ko na minsan ay nagpapalambing lang
Pero sana naman ang panig ko ay pakinggan
Imbis masakit na salita halik nalang ang mag palitan

Oh tignan mo, ngingiti na yan, nagpipigil nalang
Ikaw lang naman dito nanakit agad
Mahal kita kaya hindi kita kaya na palagan
Sorry na agad, baka magpatulfo ka pa sa lagay na yan
Yung pinto pakibukas pwedeng wag mo na ko lock-an
Wag mo na kong sigawan, hay nako eto naman

Because!

[Chorus] Jae K
Sandali naman
'Di ko na alam kasi paulit-ulit lang
Tayo'y paikot-ikot lang

Sandali naman
'Di ko na alam kasi paulit-ulit lang
Tayo'y paikot-ikot lang

(Sandali naman 'di ko na alam)

Tayo'y paikot-ikot lang

(Paulit-ulit lang)

Tayo'y paikot-ikot lang

(Sandali naman 'di ko na alam)

Tayo'y paikot-ikot lang

(Paulit-ulit lang)

Tayo'y paikot-ikot lang


Think your friends would be interested? Share this lyrics!

A B C D E F G H I J K L M N O P Q R S T U V W X Y Z #


Copyright © 2017-2021 Lyrics.lol