Because
Unan
Pakiramdam ng ‘yong halik
(Nadarama ko pa rin sa aking pisngi, yeah)
Mga mensaheng malambing
(Mga nobela natin bago makatulog sa gabi)
Mga larawan mo natago ko pa rin
(Pinagmamasdan pa rin mga ngiti)
Bakit ang hirap tanggalin
Bakit ayokong tanggalin

Kahit na alam ko na malabo na tayo
Na tila salamin na mahamog
Para akong asong nawalan ng amo
Mukhang sa desisyon natin ikaw lang ang nanalo
‘Di na matatago ang hapdi na pinagtatakpan
‘Di mapanindigan na kunyari’y hindi nasasaktan
Unan na laging yakap sana ay nasa labahan lang
At kinabukasan ay muling mahahagkan

‘Pagkat hindi ako sanay na wala ka
‘Di pa rin ako sanay na wala ka
‘Di pa rin ako sanay
(‘Di pa, ‘di pa)
‘Di pa rin ako sanay na wala ka
‘Di pa rin ako sanay na wala ka
‘Di pa rin ako sanay, yeah
Kahit na pilitin kong limutin na hindi ko magawa-gawa
Ikaw pa rin hanggang ngayon
Ang hirap isipin na ayos ka na masaya sa piling ng iba
Iba pa rin ‘pag tayong dalawa

Ilang malamig din na gabi ginaw tinitiis
Wala sa bisig kay hapdi wala nang pampagising na kape
Lahat pinagsisisihan ko pa rin
Binabaon mga damdamin na hindi na masambit
Nakakulong lang sa silid na ‘di makabasag-pinggan
‘Di na magawa ating mga nakagisnan
Na tayo ay nasa loob ng isang sinasapinan
Kahit huling beses sana nama’y pagbigyan na

Ayusin, hanapin, isipin kung bakit ba natin pinili ang isa’t isa
Dahil ayaw ko na sa iba simula nu’ng nawala ka
‘Di ko na maalala kung pa’no ngumiti at tumawa
Kasi nga

‘Di pa rin ako sanay na wala ka
‘Di pa rin ako sanay na wala ka
‘Di pa rin ako sanay
(‘Di pa, ‘di pa)
‘Di pa rin ako sanay na wala ka
‘Di pa rin ako sanay na wala ka
‘Di pa rin ako sanay
(‘Di pa, ‘di pa rin ako sanay)
Kahit na pilitin kong limutin na hindi ko magawa-gawa
Ikaw pa rin hanggang ngayon
Ang hirap isipin na ayos ka na masaya sa piling ng iba
Iba pa rin ‘pag tayong dalawa