Flow G
Maghihintay
[Intro: Bosx1ne]
Yeah, yeah, yah
Flip-D on the beat

[Chorus: Bosx1ne]
Sa pag-ibig mo'y alipin
Kahit ako ay mainipin
'Di alintana, 'di alintana
Maghihintay, mag-aabang
Sa sagot mo para lang
Ako'y malinawan, sana'y payagan

[Verse 1: Bosx1ne]
Kung meron mang isang hiling, sana ay payagan na
Mahawakan ang kamay, sa'kin ay sumama ka
Iharap ka sa dambana (Dambana)
Para ika'y maasawa (Maasawa)
Kung meron mang isang hiling
Gusto ko sana ikaw na lang
Sana tuparin para 'di na maligaw
Sa'yo ako ay sasama (Sasama)
Sana ay nakatadhana (Nakatadhana)
Tayo sa isa't isa, ang sarap isipin
Gusto ko lang palagi dito ka sa aking piling
Ikaw lang at ako, walang iba na magkasiping
Habang tayo ay nangangarap 'wag na 'wag isipin
Na iiwanan ka pa, 'wag ka nang mag-alala
Dahil hindi na papatak ang luha mo sa mata
Kaya kung papalarin dito ka lang sa tabi ko
Kaya 'eto naghihintay lang ako
[Chorus: Bosx1ne]
Sa pag-ibig mo'y alipin
Kahit ako ay mainipin
'Di alintana, 'di alintana
Maghihintay, mag-aabang
Sa sagot mo para lang
Ako'y malinawan, sana'y payagan

[Verse 2: Brando]
Napuyat na 'ko at naiinip, akala ko wala nang darating
Ayokong maidlip, pinipilit ko na magising
Bangungot kong tinuring, 'yong last na panaginip
Anak ng pating pagod na 'ko nang kakaisip
Tapos dumating ka, handa mo ibigay
Pag-ibig na tinigilan ko nang maghintay
Nagdasal na ng Latin at iba't ibang nobena
Pero no'ng nagkita 'kala mo pinlano na eksena
Maybe we can call this dasal na sinagot
Tawag ko sa'yo'y can't be reached, bigla kong naabot
Buti 'di ako nabagot kahit medyo ay takot
At kabado man sa'yo, 'eto na naman ako, lagot
Kaya kahit simangot, mapikon at ngumiwi
Kulubot man ang balat, maging abo at maputi
Ang buhok ay ikaw pa rin ang sa'kin bituwin
Na titingalain at minsan pinangarap abutin
[Chorus: Bosx1ne]
Sa pag-ibig mo'y alipin
Kahit ako ay mainipin
'Di alintana, 'di alintana
Maghihintay, mag-aabang
Sa sagot mo para lang
Ako'y malinawan, sana'y payagan

[Verse 3: Flow G]
Tapos na 'kong pagdusahan ang kahapong kay pait
Muntik masira ang bait ko sa dinanas kong sakit
Kaya sinabi ko na kahit sino pa ang papalit o sasaglit
'Di na sabik ang puso kong magmahal ulit
Nangulila sa nakaraan, ayoko nang isipin
Nagtapos sa umpisa, 'yong simula nakakabitin
No'ng tumila 'yong ulan ay nagawa mong painitin
'Yong ayaw magpaalila, gusto nang magpaalipin
Buti na lang natikman ko munang masaktan
Kaya 'di ko kayang manakit kasi danas ko 'yan
Mas natuto na 'ko kung papa'no magmahal
At hindi tumatagal 'pag may isang nananakal
Mahal, sa dami kong natutunan, ikaw na lang nga ang kulang
Na sa kasalukuyan ay sapat na para pagtuunan
Bago pagdamutan ba't 'di mo muna subukan?
Na sana magbubunga 'pag ako'y pinahintulutan
[Chorus: Bosx1ne]
Sa pag-ibig mo'y alipin
Kahit ako ay mainipin
'Di alintana, 'di alintana
Maghihintay, mag-aabang
Sa sagot mo para lang
Ako'y malinawan, sana'y payagan

[Chorus: Bosx1ne]
Sa pag-ibig mo'y alipin
Kahit ako ay mainipin
'Di alintana, 'di alintana
Maghihintay, mag-aabang
Sa sagot mo para lang
Ako'y malinawan, sana'y payagan