Flow G
High Score
[Intro]
Oh, hinding-hindi ako magpipigil
'Tataya lahat, hindi magtitipid
Gagawin ang dapat kong gawin
Alam ko na magagawa ko rin

[Chorus]
Balang araw maging icon
Gusto ko kagaya ko si idol
Mala-Michael Jordan huma-high score (Uh-uh)
Kilala magaling, pagdating sa ring
Balang araw maging icon (Icon)
Gusto ko kagaya ko si idol (Idol)
Kaya ’yung tyaga ko tina-times four (Pow, pow, pow)
Ratrat lagi parang rifle (Prrt, prrt, prrt, prrt, prr-rrah)

[Verse 1]
'Wag na 'wag kang kakagat sa fake, iwas ka sa foul
’Wag kang makampante, ingat sa galaw
'Wag puro atake, aralin dumepensa
Minsan din dipende 'yan kung pa'no ka pumwersa
Minsan kailangan pahabain ang pasensya
Isa 'yan sa mga pangunahing diperensya
'Pag natambakan ka na do'n ka maghahapit
Pero 'pag naka-lamang ka na, nakakampante
Sana kuha mo ’yung punto (Punto)
Mula simula hanggang sa dulo (Dulo)
Dapat isagad mo ’yung laro mo
Dapat lagi nakatutok kada minuto
[Chorus]
Balang araw maging icon
Gusto ko kagaya ko si idol
Mala-Michael Jordan huma-high score (Uh-uh)
Kilala magaling, pagdating sa ring
Balang araw maging icon (Icon)
Gusto ko kagaya ko si idol (Idol)
Kaya 'yung tyaga ko tina-times four (Pow, pow, pow)
Ratrat lagi parang rifle (Prrt, prrt, prrt, prrt, prr-rrah)

[Verse 2]
Kasama na sa laro, natural lang madapa (—pa)
Natural lang matalisod, natural mabutata
’Di ka dapat natitinag, 'di ka dapat mauga (Hey)
'Di ka dapat nanghihina, 'di nila pwede makita
Kung matalo, manalo, hanapin kung sa’n ka mali (Oh-oh)
Para malaman mo rin kung sa'n mo kailan magbawi
'Yung pinakamagaling na ikaw pa na palabasin (Pa'no? Pa'no?)
Dapat ay wala kang pagkakataon na palalagpasin
Bawal ang malabot na binti (Bawal ang malabot na binti)
Kailangan buo ang dibdib (Kailangan buo ang dibdib)
At sa sarili may bilib kasi may gustong marating
At patunayan sa marami kahit na paunti-unti

[Chorus]
Na balang araw maging icon
Gusto ko kagaya ko si idol
Mala-Michael Jordan huma-high score (Uh-uh)
Kilala magaling, pagdating sa ring
Balang araw maging icon (Icon)
Gusto ko kagaya ko si idol (Idol)
Kaya 'yung tyaga ko tina-times four (Pow, pow, pow)
Ratrat lagi parang rifle
[Outro]
Para tuparin 'yung balang araw maging icon (Icon)
Gusto ko kagaya ko si idol (Idol)
Mala-Michael Jordan huma-high score (Uh-uh)
Kilala magaling, pagdating sa ring
Balang araw maging icon (Icon)
Gusto ko kagaya ko si idol (Idol)
Kaya 'yung tyaga ko tina-times four (Pow, pow, pow)
Ratrat lagi parang rifle (Prrt, prrt, prrt, prrt, prr-rrah)