John Roa
Umuwi Na Tayo
[Verse 1]
'Di pa rin ako sanay
Na matulog nang 'di ka sa'kin nakadantay
O kumain nang hindi ikaw ang kasabay
O 'pag kumukulit ay lagi mong sinasaway
'Di pa rin ako sanay
Na umuwi sa'tin nang wala sa'kin nag-aantay
O manalangin nang hindi hawak ang 'yong kamay
Dahil kung wala ka, buhay ay walang saysay

[Pre-Chorus]
Kaya pwede bang

[Chorus]
Umuwi na tayo
Pakiusap pwedeng umuwi na tayo
'Di bale na kung mag-isa
Kung 'di lang din ikaw, 'wag na
Aantayin kita hanggang sa umuwi ka
Mahal, pwede ba?

[Verse 2]
Kausapin mo naman ako
'Di ako sanay nang 'di ka nakibo
Kahit konti man lang, maramdaman ko lang
Nandito ka pa rin
Hindi ko magawang masanay
Sa buhay na 'di 'kaw ang karamay
Kaya't hanggang sa huli
Mananatili lang ako dito
[Pre-Chorus]
Mahal, pwede bang

[Chorus]
Umuwi na tayo
Pakiusap pwedeng umuwi na tayo
'Di bale na kung mag-isa
Kung 'di lang din ikaw, 'wag na
Aantayin kita hanggang sa umuwi ka
Mahal, pwede ba?
Umuwi na tayo
Pakiusap pwedeng umuwi na tayo
'Di bale na kung mag-isa
Kung 'di lang din ikaw, 'wag na
Aantayin kita hanggang sa umuwi ka
Mahal, pwede ba?

[Outro]
Umuwi na tayo
Pakiusap umuwi na tayo
Kulang ako kung wala ka
Kung pwede lang naman sana
Umuwi na tayo
Pakiusap umuwi na tayo
'Di baleng mag-isa
Kung 'di lang din ikaw, 'wag na
Aantayin kita hanggang sa umuwi ka