John Roa
Taguan
[Intro]
Oh-oh-oh, oh-oh

[Verse 1]
Nagsimula sa asaran
Hanggang nauwi sa seryosohan
Ang pinag-uusapan ay 'di na namalayan
Na dahan-dahan na binubuksan ang pintuan
Ng ating mga damdamin na tila may kakaibang nangyayari
'Di mapahiwatig ang ibig na sabihin
May gusto ka bang aminin?
Pero hindi mo na kailangan pa

[Pre-Chorus]
Kasi alam mo ba na alam ko nang
May itinatago ka? Pero natatakot pa
Kasi alam mo ba? Siguro alam mo na
Parehas lang naman tayong dalawa na

[Chorus]
Nagtatagu-taguan
Nagtatagu-taguan
Maliwanag ang buwan, ipaliwanag mo naman
Hanggang kailan tayo magbibilang?

[Verse 2]
Isa, dalawa, tatlo
Ayoko nang maglaro
'Di na naman tayo mga bata para
Itago ang tunay na nararamdaman
Pilit mang hanapin, 'di ko pa rin mawari
Ang ibig na sabihin, kailan ba aaminin?
At t'wing nagtitinginan ang mga mata
Para bang nakakapagtaka
Nahihirapan man na magbasa
Pero naiintindihan ko na
[Pre-Chorus]
Kasi alam mo ba na alam ko nang
May itinatago ka? Pero natatakot pa
Kasi alam mo ba? Siguro alam mo na
Parehas lang naman tayong dalawa na

[Chorus]
Nagtatagu-taguan
Nagtatagu-taguan
Maliwanag ang buwan, ipaliwanag mo naman
Hanggang kailan tayo magbibilang?

[Instrumental Break]

[Pre-Chorus]
Kasi alam mo ba na alam ko nang
May itinatago ka? Pero natatakot pa
Kasi alam mo ba? Siguro alam mo na
Parehas lang naman tayong dalawa na

[Chorus]
Nagtatagu-taguan
Ooh, nagtatagu-taguan
Maliwanag ang buwan, ipaliwanag mo naman
Hanggang kailan tayo magbibilangm?
[Outro]
Nagtatagu-taguan
Nagtatagu-taguan
Maliwanag ang buwan, ipaliwanag mo naman
Hanggang kailan tayo magbibilang?