John Roa
Tugatog
[Chorus: John Roa]
Ga'no man katindi ang dagok, hindi matatakot
Lipad ko ay mananatiling matayog
'Di mapapagod bumangon, miski madapa
Nagsimula sa baba, papunta ng tugatog

[Post-Chorus: John Roa]
Woah-oh-oh-oh, oh-oh-oh, papunta ng tugatog
Woah-oh-oh-oh, oh-oh-oh, papunta ng tugatog

[Verse 1: Apekz]
Nagsimula sa baba na parang binhi
Aabot do'n sa tugatog, mangatog man ang binti
Manggugulat sabay sabing 'di lang kayo 'yung matindi
Ako'y dinamitang 'di nila nakitang nakasindi
Nag-aalab at nagbabaga, hingang malalim at ibuga ang kaba
Kasabay ng gabay ng mantra, nangangatal sa sabik
Nakahanda na ako ang bahala na ihagis ang sandata
Sa mata ng dambuhala at gagawin ang imposible
Walang pagsisi sa huli kasi alam kong hindi 'to simple
Dadaan ka sa proseso, dapat mo lang tanggapin
Dahil ang gustong lumaktaw, malalaglag do'n sa bangin
Nangangapa pa sa dapat na hakbangan
Nagkalat ang mga patibong at hindi patag ang daan
Ang dami nagsabi sa'kin "Hanggang d'yan ka na lang"
Asa pa na tantanan hanggang taas masampahan
[Chorus: John Roa]
Ga'no man katindi ang dagok, hindi matatakot
Lipad ko ay mananatiling matayog
'Di mapapagod bumangon, miski madapa
Nagsimula sa baba, papunta ng tugatog

[Post-Chorus: John Roa]
Woah-oh-oh-oh, oh-oh-oh, papunta ng tugatog
Woah-oh-oh-oh, oh-oh-oh, papunta ng tugatog

[Verse 2: Apekz]
Mahahati ang daanan, pipili sa kaliwa't kanan
Isang maling galaw, mawawala ang pinaghirapan
'Di lang isa kundi marami ang malaking nakaharang
Matagal mo nang inaasahan pero minsan 'di maiwasan
Na magapi, maranasan masawi at iisipin mo sa'n ka ba nagkamali
'Di mo na alam ang gagawin kasi ginawa mo na lahat
Tinaya at nilapag ubos pati sukli, ngayon wala nang masalat
At sa pagbasak una ang aking mukha
Nalaglag pa nang mas mababa kung sa'n nagsimula
Namanhid ba ang lahat kasi lagi kong hinuhusayan
O 'yung akala ko na gutom, hindi na pala natutunawan
Gusto kong malaman, alam ko naman na 'di maghihintay
Sa wala sapagkat ang hiling ko noon, matagal sa'kin naibigay
Ang mga plano at tadhana na hindi nagsasabay
Baka sakaling tumugma kapag sa rima ko inilagay
[Chorus: John Roa]
Ga'no man katindi ang dagok, hindi matatakot
Lipad ko ay mananatiling matayog
'Di mapapagod bumangon, miski madapa
Nagsimula sa baba, papunta ng tugatog

[Post-Chorus: John Roa]
Woah-oh-oh-oh, oh-oh-oh, papunta ng tugatog
Woah-oh-oh-oh, oh-oh-oh, papunta ng tugatog

[Refrain: Apekz & John Roa]
Ididiretso ko meron man o walang kakampi
Handang tiisin miski gaano kahapdi
Kahit na hilahin ay hindi malalansi
Nadala na kaya ang dala ko ngayon tangke
Aabante meron o walang kakampi
Handang tiisin miski gaano kahapdi
Kahit na hilahin ay hindi malalansi
Dahil ang husay ko ngayon, 'di na kayang itanggi

[Verse 3: Apekz]
Sa tigas ng ulo, 'di susuko
'Pagkat sinunog na 'yung puti na twalya
Parang pinasahan ng enerhiya bigla ni Jeremiah
Mapuputikan at uuwi kang lamog, nanggigitata
Naging biyaya ang mga peklat na magsisilbing medalya
Walang kailangan na patunayan, walang kalaban dapat talunin
Hindi maiiwanan, walang nakaraan na hahabulin
Kung magbabalik man sa umpisa, isa lang ang babaguhin
Pupunta 'ko ulit sa tuktok at mas mabilis kong tatapusin
[Chorus: John Roa]
Ga'no man katindi ang dagok, hindi matatakot
Lipad ko ay mananatiling matayog
'Di mapapagod bumangon, miski madapa
Nagsimula sa baba, papunta ng tugatog
Ga'no man katindi ang dagok, hindi matatakot
Lipad ko ay mananatiling matayog
'Di mapapagod bumangon, miski madapa
Nagsimula sa baba, papunta ng tugatog

[Outro: John Roa]
Papunta ng tugatog
Papunta ng tugatog