Zild
Lunod
[Verse 1: Ben&Ben]
Nalulunod sa pangangamba
Puno na ang baga, pasuko ka na
Sa'n ka kakapit kung malalim na?
Ang sabi ay "Arte lang 'yan"
(Woah-oh-oh-oh)

[Verse 2: Juan Karlos]
Nalulunod sa pangangamba
'Di mo alam kung may pangtustos pa
Nagkaubusan na ng pang-medisina
Ang sabi'y "Bahala ka na"

[Chorus: Ben&Ben, Juan Karlos]
Ang pagkakalunod ay nararanasan mo na ba?
Sana'y makaahon ka, pagka't kailangan ka nila

[Verse 3: Zild]
Nalulunod sa pangangamba
Mga parusang 'di humuhupa
Sa'n ka kakapit kung malalim na?
Ang sabi'y, "Mababaw lang 'yan"

[Chorus: Ben&Ben, Zild, Juan Karlos]
Ang pagkakalunod (Pagkakalunod)
Ay nararanasan ng iba (Nararanasan ng iba)
Sana'y makaahon ka, pagka't kailangan ka nila
[Bridge: Juan Karlos, Zild, Ben&Ben]
Nalulunod sa pangangamba
Dahan-dahan, ako'y lalangoy na
Sisisirin hanggang makarating ka
Sa ginhawang itinadhana
Sa ginhawang itinadhana
'Di na muling malulunod pa