Zild
Lumang Kanta
[Verse 1]
Lumang kanta ang napapakinggan
Nating dal'wa, mapa-Heads o Maya man
Tayo'y tatakas ngayon sa takot ng bukas, bulong

[Verse 2]
Papuntang Cubao, sumandal hangga't gusto
Walang gagalaw dito sa balikat ko
Mainit ang araw ngayon, tinging natutunaw ako
At mag-uukay nang hindi nagsusuklay

[Chorus]
Mamahalin kita hanggang sa pagtanda
Kahit laos man na ang uso, iyong iyo ang aking puso
'Di ikahihiya ang ating mga mukha
Kahit ang porma mo'y magbago, iyong iyo ang aking puso, pangako

[Post-Chorus]
Wala 'kong pakialam kung pumangit ka
Wala 'kong pakialam

[Verse 3]
Lontang asul ang suot mo after school
Masyadong pa-cool, may dala pa ngang Red Bull
Tayo'y iiwas ngayon sa takot ng bukas, bulong
At ihuhukay ang kahit anong klaseng lakbay
[Chorus]
Mamahalin kita hanggang sa pagtanda
Kahit laos man na ang uso, iyong iyo ang aking puso
'Di ikahihiya ang ating mga mukha
Kahit ang porma mo'y magbago, iyong iyo ang aking puso, pangako

[Post-Chorus]
Wala 'kong pakialam kung pumangit ka
Wala 'kong pakialam kung pumangit ka

[Outro]
'Di mag-iiba
Habang-buhay na
Tayong dalawa