Agsunta
Gusto Kong Lumipad
[Verse 1]
May ibubulong akong isang lihim
Na sinabi sa akin may dungis akong 'di maalis
Kung ako nga ay bata pa
Pahiran mo ako ng kamay na kay linis
[Verse 2]
Sino'ng Diyos ang tatawagin?
Nasaan na si Bathala? Bakit tila nawawala?
Samahan niyo akong lumipad
Sa pakpak kong 'di pa nakalilipad
Pagkat ako ay bata pa
[Pre-Chorus 1]
'Di ko alam na ako'y mag-iisa
Sa gitna ng mga matang mapanghusga
Sana'y pansinin ang hiyaw
Ng tulad kong tila walang nakikinig
[Chorus]
Gusto ko pang maglaro
Gusto ko pang tumalon
Gusto ko pang tumakbo
Sa liwanag ng araw
Sa malinis na tubig
[Post-Chorus]
Magtampisaw sa ulan
Maglaro, maglaro, maglaro, maglaro
[Verse 2]
Ngayon ay gusto ko nang lumipad
Gusto ko nang maglakbay
Husto ko nang lumisan
Gusto kong makita ang liwanag
Sa nakatakip ang mga ulap
Gusto ko ng hangin magdadala sa akin sa mga bulaklak
Alam kong nariyan lang
Alam kong nariyan lang
[Pre-Chorus 2]
Sa dulo ng paglalakbay
May Diyos na makikinig
Hindi na ako magtatanong pa
Kailangan ko lang ang mainit mong yakap
[Chorus]
Gusto ko pang maglaro
Gusto ko pang tumalon
Gusto ko pang tumakbo
Sa liwanag ng araw
Sa malinis na tubig
[Hook]
Para maglaro ang lahat ng agam-agam
(Gusto ko pang maglaro)
Na 'di mawala-wala
Sa isang lihim na iyong inilihim
(Gusto ko pang tumalon)
Ang lihim pala may dalang panganib
Para maglaro ang lahat ng agam-agam
(Gusto ko pang maglaro)
Na 'di mawala-wala
Sa isang lihim na iyong inilihim
(Gusto ko pa...)
Ang lihim pala may dalang panganib
[Outro]
Para maglaro ang lahat ng agam-agam
Na 'di mawala-wala
Sa isang lihim na iyong inilihim
Ang lihim pala may dalang panganib
Para maglaro ang lahat ng agam-agam
Na 'di mawala-wala
Sa isang lihim na iyong inilihim
Ang lihim pala may dalang panganib