Muli (Secret Verse)

Hindi
Hindi ko kayang umibig muli
Habang buhay nalang kitang hihintayin

Tinatanggi ko ang tadhana
Na kailangang mawala ka
Handa ako na ulitin
Sa'yo at aminin
Na wala ng iba makahihigit pa
Lahat silang maganda tila magkakamukha
Walang papantay sayo, tunay kagandahan mo

Bakit iniwan mo ako?
May mali ba sa sarili ko?
Paano iisipin
'Di mo na 'ko kayang tanggapin

Hindi
Hindi ko kayang umibig muli
Habang buhay nalang kitang hihintayin

Hindi
Hindi ko kayang umibig muli
Habang buhay nalang kitang hihintayin

'Di maintindihan nadarama
Sarili ang kausap 'lang iba

Kailangan mo raw lumayo sa akin
'la ba tayong magagawa?

Kinalakihan nati'y iiba
Ako sa takot, ikaw sa awa

Taimtim ang pag-ibig
'di sang-ayon ang paligid
Tinanggap ko nang wala ka na

Ginawa ko 'yon ng ilang taon
Nasasanay na 'kong mag-isa

May mga bagay na ang nakakaintindi
Tayo lang dalawa
Walang-iba

Hindi
Hindi ko kayang umibig muli
Habang buhay nalang kitang hihintayin

Hindi
Hindi ko kayang umibig muli
Habang buhay nalang kitang hihintayin

Hihintayin
Hihintayin
Hihintayin

Ang magtiwala muli
Bakit ang hirap gawin?

Kahit pilitin ko
Kayanin ko
Harapin ang totoo

Na wala ka na
At wala ng iba
Makakapalit pa sa pangarap
Nating habang buhay mag kasama

Hindi
Hindi ko kayang umibig muli
Habang buhay nalang kitang hihintayin

Hindi
Hindi ko kayang umibig muli
Habang buhay nalang kitang hihintayin

Hihintayin
Hihintayin
Hihintayin

Hihintayin
Hihintayin
Hihintayin

More by Ace Banzuelo

All Ace Banzuelo songs →