A B C D E F G H I J K L M N O P Q R S T U V W X Y Z #

This Band

"Wala Na Ang Init"

'Di ako ang para sa ’yo
Tadhana lang ang nagtagpo
Tadhana rin ang naglayo…

Kay sakit mang tanggapin
Na 'di ako ang papalarin
Na makakasama mo sa habangbuhay

Isisigaw na lang sa mga bituin at
Aawit na lang ng 'sang panalangin
Ang pagsamo ko sa langit sana ay dalhin
Ng apoy ng pag-ibig mo para sa ’kin

Oh woah...

Ako ang para sa 'yo
Pangako ng puso mo
Pangakong 'di na magkakatotoo

'Di na masasaktan pa
Sa kwento nating dalawa
'Di na makakarating na mahal kita

Ang lahat ng bigat ng damdamin
Lahat-lahat ay nais ko mang pawiin
'Di mo na maibabalik ang pag-ibig

Isisigaw na lang sa mga bituin at
Aawit na lang ng 'sang panalangin
Ang pagsamo ko sa langit sana ay dalhin
Ng apoy ng pag-ibig mo para sa 'kin

Oh woah...

Ako ang para sa ’yo
(’Di ako ang para sa 'yo)
Tadhana lang ang nagtagpo
(Tadhana rin ang naglayo)
Pangakong hindi na magkakatotoo

Isisigaw na lang sa mga bituin at
Aawit na lang ng ’sang panalangin
Ang pagsamo ko sa langit sana ay dalhin
Ng apoy ng pag-ibig mo para sa 'kin

Oh woah...

Wala na ang init (wala na ang init)
Wala na ang init ng ating pag-ibig

A B C D E F G H I J K L M N O P Q R S T U V W X Y Z #


All lyrics are property and copyright of their owners. All lyrics provided for educational purposes and personal use only.
Copyright © 2017-2019 Lyrics.lol