Hannah Precillas
Sabi Ko Na Nga Ba
[Intro]
Sabi ko nga
Sabi ko nga
Sabi ko, sabi ko, sabi ko, sabi ko nga

[Verse 1]
Mabuti pa noong hindi mo pa nahahalata
Ang itinatago kong lihim na pagsinta
Nakakasama ka, tayong dalawa
Kay saya, haaa

Dahil sa mapagmasid nating barkada'y
Na-gets mo nang trip kita
Tuloy, tipid ka nang mag-text
At di na kita matitigan nang malagkit

[Chorus]
Sabi ko na nga ba noon pa dapat ay sinabi ko nang
Na-iinlove na ako sa iyo
Ang puso ko kasi punung-puno lang ng kulit
Pero kinulang sa lupit kaya 'sanlibong beses nang sumakit
Oh, ang sabi ko na nga ba
Pasensya na, 'wag mag-alala
I know kasi
Di na pwedeng magpa-cute sa'yo ngayong taken na ang puso mo
Oh-oh
[Verse 2]
Ayan tuloy sobrang naiilang na ako
Di na kita maka-chat nang todo-todo
Magbibiruan, galaan, walwalan, bawas na
Wala na, waley na

Sa group chat nating magbabarkada'y
Pa-segue ko'y sini-seen mo na lang
Siguro ay nababasa
Ng jowa mong mala-CCTV sa NAIA

[Chorus]
Sabi ko na nga ba noon pa dapat ay sinabi ko nang
Na-iinlove na ako sa iyo
Ang puso ko kasi punung-puno lang ng kulit
Pero kinulang sa lupit kaya 'sanlibong beses nang sumakit
Oh, ang sabi ko na nga ba
Pasensya na, 'wag mag-alala
I know kasi
Di na pwedeng magpa-cute sa'yo ngayong taken na ang puso mo
Oh-oh

[Bridge]
Bakit kasi noong hindi pa kayong dalawa
Pabebe ko'y dinadaan ko lagi sa patawa
Ayan, na-shook ka na niya
Ngayong ako ay nga-nga
Sabihin mo na lang sa kanya
Hanggang three years lang kayo diba
Pwede ba
[Chorus]
Sabi ko na nga ba noon pa dapat ay sinabi ko nang
Ako'y inlove na inlove na sa'yo
Ako naman kasi hindi advance kung mag-isip
Pa-lava walk, walang epek
Mahina pa kay Mr. Bean umimik
Oh, sabi ko na nga ba
Pasensya na, 'wag mag-alala
I know kasi
Di na pwedeng magpa-cute sa'yo ngayong taken na ang puso mo
Oh-oh

[Outro]
Sabi ko na nga ba (sabi ko na nga ba)
Sabi ko na nga ba (sabi ko na nga ba)
Kailangan ko ay pang-gayuma
Sabi ko nga, sabi ko nga
Sabi ko, sabi ko, sabi ko, sabi ko nga
Wala lang