Hannah Precillas
Pagmamahal Mo Lang (Theme from ”Legal Wives”)
[Verse 1]
Sa mga panahong nag-iisa ay hanap-hanap ka
At hindi kailanman mag-iiba
Itong aking pagsinta
Asahan mo na kahit kailanman
Hindi titigil, 'di ka iiwan

[Verse 2]
Anumang pagsubok ang dumating ay kakapit sa'yo
Anumang mangyari pangako na naririto ako
Kumapit lang, sabihin at ika'y mamahinga
Bukas man ay 'di sigurado, asahang akin ka

[Chorus]
Ikaw lang ang lakas sa magulong mundo
Kaya naririto ang puso ko
Umaasa na hihilumin mo
Pagmamahal mo lang ang nais ko

[Instrumental]

[Bridge]
'Di magbabago kahit pa anong bagyo ang dumating
Sa susunod na buhay ay ang mamahalin ikaw pa rin

[Chorus]
Ikaw lang ang lakas sa magulong mundo
Kaya naririto ang puso ko
Umaasa na hihilumin mo
Pagmamahal mo lang...
(Ikaw lang ang lakas) sa magulong mundo
Kaya naririto ang puso ko
Umaasa na hihilumin mo
Pagmamahal mo lang ang nais ko