Jaya
Hanggang Dito Na Lang
[Verse 1]
'Di ko alam kung tama ba ito
Lilisan ako upang maintindihan ko
Ang puwang sa puso't isipan
Kailangang gawin ngunit masasaktan

[Pre-Chorus]
Iiwasan ko landas nating pinagdaanan
Pipilitin kong kalimutan ka

[Chorus]
Hanggang dito na lang
Pilit ko mang ipaglaban ating pagmamahalan
Ito'y balewala sapagkat ako'y iniwan
Hanggang dito na lang ikaw itong nagpaalam
Alam kong hanggang dito na lang

[Verse 2]
Sabi mo sa akin ako'y iyong mahal
Ako'y hindi iiwan, magsasama habang buhay
Anong nangyari sayo'ng pangako
Na aking pinaniwalaan, tamis ng kahapon

[Pre-Chorus]
'Di maintindihan sakit na nararamdaman
Pipilitin kong kalimutan ka
[Chorus]
Hanggang dito na lang
Pilit ko mang ipaglaban ating pagmamahalan
Ito'y balewala sapagkat ako'y iniwan
Hanggang dito na lang ikaw itong nagpaalam
Alam kong hanggang dito na lang

[Bridge]
Malaya ka na
Sayo'y paalam na
Kahit masaktan man ako
Hanggang dito na lamang ito, oh

[Chorus]
Hanggang dito na lang
Pilit ko mang ipaglaban ating pagmamahalan
Ito'y balewala sapagkat ako'y iniwan
Hanggang dito na lang ikaw itong nagpaalam
Alam kong hanggang dito na lang