Yuridope
Sa Susunod Na Lang
[Intro: Skusta Clee]
Hah, gusto ko lang naman makausap ka eh
You know, you know, I just, I just wanna talk
Doobi-do-doop, doop, doop, da-rap, yeah
Flip-D on the beat
Panty Droppaz League

[Verse 1: Skusta Clee]
Halos limang oras na akong nag-aantay sa'yo
Nag-aabang ako sa labas ng bahay niyo
Sipat nang sipat kung sisilip ka ba sa bintana
Magpakita ka'y parang 'di yata, hah

[Refrain: Skusta Clee]
Ilang beses ka nang lagi na lang ganyan
Kung iwasan ako'y parang ayaw akong nand'yan
Sa susunod na punta ko'y pagbuksan mo na sana
Kasi kahit anong mangyari ay 'di ako mawawalan ng pag-asa

[Chorus: Skusta Clee]
Ayaw kitang pilitin kung 'di ka pa handa
Sa susunod na lang, sa susunod na lang
Ayaw kong nabibitin kaya mabuti pang
Ako'y uuwi na lang, sa susunod na lang

[Verse 2: Yuridope]
Napupuyat na 'ko kakapa-alala
Kumain at mag-ingat kung sakaling maggala ka
Laging sinisipat ang imahe ng dalaga
Na pangarap makasama ko sa hirap at ginhawa
Tipikal na dahilan ng tagahanga mong
Hindi naghahanap ng iba kahit na nababatong
Naghihintay sa'yong sagot sa'king mga tinatanong
Habang ang pamantayan mo ay pilit kong tinatalon
Kasi alam ko na hindi ka pa handa
May gusto kang makita pa sa'kin at madama
Kaya 'eto ako naghahanda 'kong madapa
Kung mabigo sa ngayon ayos lang kasi may bukas pa
'Di nauubos 'yun kaya kahit kumukunot na ang noo ko
Ay sa alon natin ay sumusunod na lang
Susuyuin ka kahit hindi mo pa mapunuan
'Yung ikaw sa salitang "tayo", ayos lang, sa susunod na lang
[Chorus: Skusta Clee]
Ayaw kitang pilitin kung 'di ka pa handa ('Di ka pa handa)
Sa susunod na lang, sa susunod na lang
Ayaw kong nabibitin kaya mabuti pang (Kaya mabuti pa)
Ako'y uuwi na lang, sa susunod na lang
Ayaw kitang pilitin kung 'di ka pa handa ('Di ka pa handa)
Sa susunod na lang, sa susunod na lang (Ooh, yeah)
Ayaw kong nabibitin kaya mabuti pang (Kaya mabuti pa)
Ako'y uuwi na lang, sa susunod na lang (Yeah, yeah)

[Outro: Skusta Clee]
Ayaw kitang pilitin kung 'di ka pa handa
Sa susunod na lang, sa susunod na lang
Ayaw kong nabibitin kaya mabuti pang
Ako'y uuwi na lang, sa susunod na lang