Yuridope
Still
[Intro: Jnske]
Ooh, ooh
No, no, no
Yeah, ayt
Yeah, yeah

[Verse 1: Jnske]
Natatakot na baka (Natatakot na baka)
Isipin mo na may iba (Isipin mo na may iba)
Mali ang iyong iniisip (Mali)
Ikaw lang naman talaga (Ikaw lang naman talaga)
Natatakot na baka (Natatakot na baka)
Paggising mo may bago na (Paggising mo may bago na)
Wala kang dapat ikatakot, wala naman na talaga

[Chorus: Jnske, Bosx1ne]
Kahit napapagod na tayo kakahabol
Hinding-hindi susuko, problema man ay alon
Dahil kahit na sabihin mo pa 'yan sa akin
'Di ko iisipin ikaw ay lisanin
Problema'y may madali rin namang mapapawi
Ang mahalaga'y lambingan natin

[Verse 2: Yuridope]
Aye, napapagod ka na ba? (Napapagod)
Pwes ako hindi pa ('Di pa)
Kahit na umabot pa (Umabot)
Na sa inyo umuwi ka (Alam mo)
Susunduin kita kahit hindi mo pansinin (Hey)
Alam ko naman kasi kung pa'no ka pasiyahin (Hey)
Kahit na madalas na sumimangot ang pangitiin ka
Ay hindi ko malilimot kaya kang pasiyahin (Woah)
Kung madalas ay nagtatalo tayo sa maliliit na bagay (Bagay)
Mas malaki naman do'n ang pagmamahal kong inaalay (Alay)
May mali ka pero may mali din ako sabagay (Bagay)
Pa'no magkakaintindihan kung 'di tayo nag-aaway? (Away)
Tinatanggap ko na (Oo na)
Kailangan may lungkot pati saya (Tama)
Atleast 'di ba 'di ka sa'kin nawawala? (No)
Sa'yo lang din ako pangako hanggang huli na
[Chorus: Jnske, Bosx1ne]
Kahit napapagod na tayo kakahabol
Hinding-hindi susuko, problema man ay alon
Dahil kahit na sabihin mo pa 'yan sa akin
'Di ko iisipin ikaw ay lisanin
Problema'y may madali rin namang mapapawi
Ang mahalaga'y lambingan natin

[Verse 3: Bullet D]
'Di ako magsasawa na unawain ka kahit na minsan
Parang gusto na kitang bitawan
Kaso nga lang 'di ko kayang sabihin kasi ayokong mahirapan ka
Sa mga bagay na hindi mo naman gusto
Mananatili ka pa rin dito sa aking mundo
Kahit alam kong hirap na hirap ka na
Makakaasa ka, ibabalik ko ang oras na 'di dapat maaksaya
Sa ating dalawa, walang ibang pwedeng sumira
Ikaw ang pundasyon ko at gabay ko sa tuwina
Kaya halika, 'wag mo silang intindihin
Kung may namamagitan sa kanila, 'wag mo na lang pansinin
Kasi ang importante sa'kin, ikaw ay mapasaya
Lalo kapag ngumingiti ka at napapatawa ka
Malabo na ding magbago pa ang aking pagtingin
Sa'yo sa tuwing may pagtatalo at ayaw mo pansinin
Asahan mo na ganun pa din, handa ako na intindihin
Na paggalit ka lambingin, 'yon ang kailangan kong gawin, kasi
[Chorus: Jnske, Bosx1ne]
Kahit napapagod na tayo kakahabol
Hinding-hindi susuko, problema man ay alon
Dahil kahit na sabihin mo pa 'yan sa akin
'Di ko iisipin ikaw ay lisanin
Problema'y may madali rin namang mapapawi
Ang mahalaga'y lambingan natin

[Verse 4: Bosx1ne]
(Only)
Natatakot na baka (Natatakot)
Sabihin sa'kin ayaw na (Sabihin sa'kin na)
Dahil puro away na lang tayo at tampuhan
Baka isang araw biglang mawala (Mawala)
Pero 'di 'yon mangyayari kahit may alitan
Madaming sinasabi mura at sakitan
Maraming beses man tayong magkasigawan
Yakap at halik pa rin ang tungo at lambingan
Alam kong may mali ako
Alam ko rin namang alam mo ang mali mo
Ang mali lang ay ipilit pa ito (Ito)
Na itama ang mali kaya mas lalo nang mali ito
Kahit 'di ko man maisip kung sa'n tungo nito
'Di ko man masabi basta sa'kin ay patuloy ako
Kahit na pilitin na isipin, talagang magulo
Basta mahalaga ikaw at ako
[Chorus: Jnske, Bosx1ne]
Kahit napapagod na tayo kakahabol
Hinding-hindi susuko, problema man ay alon
Dahil kahit na sabihin mo pa 'yan sa akin
'Di ko iisipin ikaw ay lisanin
Problema'y may madali rin namang mapapawi
Ang mahalaga'y lambingan natin
Kahit napapagod na tayo kakahabol
Hinding-hindi susuko, problema man ay alon
Dahil kahit na sabihin mo pa 'yan sa akin
'Di ko iisipin ikaw ay lisanin
Problema'y may madali rin namang mapapawi
Ang mahalaga'y lambingan natin