Yuridope
Bahala Ka
[Chorus: MC Einstein]
'Di mo man lang ba lilingunin?
Kanina pa 'ko nagpapapansin
Hindi ko na alam ang gagawin
Ikaw na ngang nililigawan
Bigla mo pa 'kong susungitan
Eh 'di bahala ka

[Verse 1: Yuridope]
Hanap ako nang hanap, ikaw iwas nang iwas
Gusto sa'yong yumakap kaya pakitang gilas
A-a-e, ba't ganyan mo ba 'ko astahan?
Tinatanong ka lagi, ang sagot mo basta lang, oy
Oo lang naman ang gusto ko na marinig
Ako na ang bahala lagi sa'tin sa kilig
Oh, 'di ba ang dali lang kaso may mali
Ikaw kasi ayaw pa sa'kin na sumama pauwi, eh
Ikaw bahala, wala 'tong sisihan
Kaya pasensya ko'y 'di mo na maiiklian ('Di na)
Pa'no ubos na at simot sa'yo kakaabang?
Ngalay na din likod mo lang palagi ang katitigan (Woo)

[Chorus: MC Einstein]
'Di mo man lang ba lilingunin?
Kanina pa 'ko nagpapapansin
Hindi ko na alam ang gagawin
Ikaw na ngang nililigawan
Bigla mo pa 'kong susungitan
Eh 'di bahala ka
[Verse 2: Jekkpot]
Ano ang kulang? Bakit 'di kuntento?
Sa sinasabi ko na 'di naman imbento
Kasi ang dami ko ng kwento pero para bang walang epekto 'to
O talaga lamang na iyong sinasadya 'to
Mabalewala lahat palabasing hindi sapat
Sa bawat banat mo at hugot habang pinagtatapat
Ang nadarama parang drama na
Ang sapuputahan na 'wag nang umasa pa
Kasi marami pa namang iba (Woo)
Sana nagbibiro ka lamang
Nang 'di mo pagsisihan, bakit mo ako sinayang?
Sa'kin minsan lang ang mabaliw sa niligawan
Ikaw pa ang may ayaw, 'di ko na 'yan kasalanan, ha
Nasayang porma ko at pabango na 'ko
Nagbago na takbo ng utak ko nagtampo na sa'yo
Kasi ang gaga mo, akala mo pag-ibig ko'y laro lang
Lambing ang kailangan ko, 'wag mo akong sungitan

[Chorus: MC Einstein]
'Di mo man lang ba lilingunin?
Kanina pa 'ko nagpapapansin
Hindi ko na alam ang gagawin
Ikaw na ngang nililigawan
Bigla mo pa 'kong susungitan
Eh 'di bahala ka
[Verse 3: Flow G]
Ano pang kailangan kong gawin?
Para 'yong atensyon mo ay limusin
Gusto mong isakay ka pa sa limousine
Akitin sa bagay na 'di mo kayang bilhin
Gusto ko rin naman 'yan
Kaso nga lang 'la 'ko ni kusing (Yeah, yeah)
Pero 'di mo pwedeng ismolin
Sa'kin 'di ka mag-uulam ng asin
Ang dami kong naipong mga baka sagutin
'Kaw ang gusto ko kaya puro baka 'yung dumating
Ako naman 'yung nandito lagi pero bakit puro pailing
Ako 'yung dumating, ang kaso 'di ako hiling
Sa hirap at ginhawa ay handa kang gustuhin
Ang hirap lang sa'yo hirap ka ring ako ay gustuhin (Sows!)
Baka mamatay akong dilat
Patagal nang patagal ay pailap ka na nang pailap
Pahirap nang pahirap, wala ng tyansang ma-inlove
Kung ayaw mo 'di 'wag

[Chorus: MC Einstein]
'Di mo man lang ba lilingunin?
Kanina pa 'ko nagpapapansin
Hindi ko na alam ang gagawin
Ikaw na ngang nililigawan
Bigla mo pa 'kong susungitan
Eh 'di bahala ka
[Outro]
'Di mo man lang ba lilingunin?
Kanina pa 'ko nagpapapansin
Hindi ko na alam ang gagawin
Ikaw na ngang nililigawan
Bigla mo pa 'kong susungitan
Eh 'di bahala ka