Yuridope
Ikaw Ang
[Intro: Sam Concepcion]
Ikaw ang matagal nang mithiin (Yo!)
Ngayong and'yan ka na ika'y aking iibigin
Hindi hahayaang mawala ka sa'kin
Ikaw lamang ang tanging, ikaw lamang ang tanging
Dinadalangin, mahal ko

[Verse 1: Yuridope]
Masyadong maikli ang buhay para 'di sa'yo iparating
Na kahit saan tayo mapunta, handa kang mahalin
Sa pinakamaginhawa man o kahit idiin
Sa pinakamahirap na kalagayan man dalhin
'Di ako aalis, ayaw kitang mamiss
Sa'yo lang tatabi at 'pag nawala ko sa'yong paningin
Agad na babalik para sulitin bawat sandali
Makapiling ang sagot sa aking mga kahilingan dahil
Wala nang mas sasarap pa sa pakiramdam
Na ang mundo ay sa'tin lang at sa iba'y wala tayong pakialam
Nagkamali man ng ilan, 'yun ay 'di na para tignan
Pag-ibig lang ang palaging pagbibigyan

[Pre-Chorus: Yuridope & Sam Concepcion, Yuridope]
'Di ko sasayangin ang pagkakataon
Habang panahon kita na mamahalin
Oo, habang panahon, dahil ikaw ang
[Chorus: Sam Concepcion]
Ikaw ang matagal nang mithiin
Ngayong and'yan ka na ika'y aking iibigin (Yeah, yeah)
Hindi hahayaang mawala ka sa'kin (Oh, woah)
Ikaw lamang ang tanging, ikaw lamang ang tanging
Dinadalangin (Yo!)
Mahal ko

[Verse 2: Yuridope]
Nakahanda 'ko at alam kong marami pa tayong
Mga pagsasaluhan, pagdadaanang lungkot at saya
Mga tagpong mahihirapan tayong unawain ang isa't isa
Pag-intindi natin ay palawakin, alalahanin mo lang palagi
'Di ako kaya na harangin ng kahit anumang pagsubok
'Di ako mapapasuko, pasensya ay papahabain
Sa mga panahong marami tayong mga dalahin
Kahit na mag-isa lang kakayanin, basta maniwala lang sa'kin
Lahat ay gagawin para mabigay sa'yo ang magaan na buhay
At pagka-nadilim ang langit, ngiti mo naglalagay ng kulay
Ika'y mahahambing sa mga bituin
Do'n sa kalawakan dahil aking mga hiling
Ikaw ang katuparan lagi kong dadalhin
Sa puso at isip kung bakit dapat manatili na matibay
Hangga't sinasambit mo na ako ay mahal mo din ay
Mas maninindig, wala 'kong hindi gagawin
Sa'yo'y 'wag lang ako mapahiya, lalo na't ikaw ang
[Chorus: Sam Concepcion]
Ikaw ang matagal nang mithiin
Ngayong and'yan ka na ika'y aking iibigin
Hindi hahayaang mawala ka sa'kin
Ikaw lamang ang tanging, ikaw lamang ang tanging
Dinadalangin

[Refrain: Yeng Constantino, Sam Concepcion]
Ikaw ang pag-ibig na hinintay
Puso ay nalumbay
Ngayong and'yan ka na ika'y aking iibigin
Nandito na ikaw, ikaw
Hindi hahayaang mawala ka sa'kin
Sa akin ng Maykapal
Biyaya ka sa buhay ko
(Ikaw lamang ang tanging)
Ligaya't pag-ibig ko'y ikaw

[Outro: Sam Concepcion]
Ikaw ang matagal nang mithiin
Ngayong and'yan ka na ika'y aking iibigin
Mahal ko