Yuridope
Parinig
[Verse 1: Jekkpot]
Ang awitin kong ito ay inaalay ko
Sa mga nalilito, kung ba't ako naririto
'Di pa rin humihinto, naghukay pero 'di ginto
Ang pakay ko isipin mo, 'di mo 'ko makikilala
Kung naka-base ka sa CP mo
Kaya silipin mo, HD 'to pakinggan mo
Clear 'di naka-speed, clear 'yung equalizer ko
Ear mukha ka karinig ng smooth na tira ko
Sa mga nagsasabing wala akong tira, wala kang pera, pambihira
'Yun ba ang sukatan, 'pag 'di ka mahina
Si "silent killa", wala nang tila
Mapapatigil mo lang 'pag naputol 'yung kandila
Eyy, 'di 'to mahilig mag-flex
Kaya sorry naglabas ng bago 'to, 'di na 'ko nag-text
Tsaka 'di na ako nag-test, exempted na kasi sa klase
'Pag nakapulang "X", kaya...

[Chorus: Jekkpot]
Parinig ng bago mong rap
Parinig ng bago mong rap
Parinig ng bago mong rap
Parinig ng bago mong rap

[Verse 2: Flow G]
Ahh, parinig ng bago kong (What?)
Kalma ka lang, alam mo bang marami pa 'kong tambak
Alangan namang sunod-sunurin ko
'Yung bagsak nang bagsak, eh 'di mali na agad
'Di ba ang plano umangat nang sagad
Iba tumayming, alam na alam ang tamang lapag
'Yung mga rhyme scheme, Pilipino na may pinong sangkap
At ultimo 'di nagra-rap, napa-rap, tumalab
Do'n pa lang uwian na 'tol, it's a wrap
Pero 'di mo lang ako d'yan pwede kilalanin (No)
Para abutin hindi mo kailangan na lumalim (Yah)
Madali lang unawain katulad mo ako galing sa ilalim
Gusto ko lang hukayin kung ano 'yung sa'kin
At isa pa sa natutunan, 'wag kang magdamot
Para hindi ka pagdamutan, 'pag nginitian, 'wag simangutan
Tao ka lang, wala kang tauhan at hindi ka tatauhin
Kung hindi mo naman tao pakitunguhan, 'yung nagsabi ng...
[Chorus: Jekkpot]
Parinig ng bago mong rap
Parinig ng bago mong rap
Parinig ng bago mong rap
Parinig ng bago mong rap

[Verse 3: Jakmow]
Pakitaasan daw 'yung itsa, para lamang 'yung salisi
Kahit babaan kumakara, pare, do'n ka sa tabi
Hayaan mo 'kong dumiskarte dahil kaya ko kasi
'Di na 'ko inosente, dati na 'tong matindi, ahh
Ha-ha, 'langya urat ba? Mabagal o mabilis kahit ano'ng genre
Walang problema kung matagal-tagal na ding natengga
Ang importante wala na bago, kapag lumeletra
Ang yabang ko 'no, kailangan 'yon eh
'Kala ko kasi 'pag lowkey safe na safe na sa mga victre
'Di pa pala pre, dapat pala walang arte
Nung ako na 'yung umaatake
Biglang dinuwende 'yung mga higante, swabe
Parang kulang 'tong walo
At pagpasensyahan niyo na kung medyo antipako
Ayoko magpalit anyo kaya nagpakatotoo
Kasi sobrang mamiss ko 'to, kalma hindi pa todo 'to, basic

[Chorus: Jekkpot]
Parinig ng bago mong rap
Parinig ng bago mong rap
Parinig ng bago mong rap
Parinig ng bago mong rap
[Verse 4: Brando]
{?} two door parang jet plane (Zoom, zoom)
Walang signal 'pag nag-switch lane (Switch)
Dominate ang rap game, {?}
Oh alam mo mabigat, yeah gold chain
Tulad ko na hirap talain, hirap dalahin
Sa lakas ay high grade gunjack
Kaya nga mahirap kami'y panisin
'Di mo pa ba pansin na we out here monster
Teka, bawal teka, teka, money machine binabalahan ko ng pera
{?} naiipon mga wax, mga tutuli sa tenga
'Wag kang makinig sa mga mahihina
Kasi nga pili lang kaming tinuring pambihira
Kaya nga tikom bibig namin sa mga tumira
Kasi kita ni tito kapag ka may tira, sige, 'lika

[Chorus: Jekkpot]
Parinig ng bago mong rap
Parinig ng bago mong rap
Parinig ng bago mong rap
Parinig ng bago mong rap

[Verse 5: Yuridope]
Parinig daw sila ng mailawan nang maayos sa madla
Parinig nga baka nagparinig ka sa iba o nagbanta
Pang-indak upang mag-isip, eksakto'ng nabuo mong kanta
Sagot ko na lahat abangan mo na lang kasi wala akong paki
Miski may makinig sa'kin o wala, deadma
Basta ako alam ko 'pag bumuo ko'y pera
Tyak na tyak may kwenta, solo o feat. malaman sa letra
'Apakakinis ng istilo, 'kala mo nagpa-derma
Kahit 'di na magdabog, 'pag narinig 'yung boses
Alam mo na 'di na kailangang magtanong
Kasi 'pag sinabi mong DADOPE
Sariwa lagi banat kaya nagtatangkang lumamon ng lamog
Daming hit pero walang katulad
Wala kang papantay kahit gamitan ng panukat
Sa likod merong cut, ekis at logo na may tatlong cut
Sulok na baliktad kaya animal mag-rap
Abangan mo na lang, 'wag mo nang tanungin 'yon
[Chorus: Jekkpot]
Parinig ng bago mong rap
Parinig ng bago mong rap
Parinig ng bago mong rap
Parinig ng bago mong rap
Parinig ng bago mong rap
Parinig ng bago mong rap
Parinig ng bago mong rap
Parinig ng bago mong rap