Yuridope
Huli Na
[Intro: Skusta Clee]
Ooh-ooh-ooh, ooh-ooh-ooh-oh
Ooh-ooh-ooh, ooh-ooh-ooh-ooh

[Verse 1: Yuridope]
Namamanhid na sa ginaw at wala ng init
Alam kong pati ikaw, 'di na matahimik
Puso ay sumisigaw, 'di na kaya ng isip
Ayaw ko nang iligaw, bakit ipipilit?
Kung said na ang lahat, lahat ng pag-ibig
Ako na'ng maglalakas ng loob itigil
Ng isang sakit na lang at isang isipin
Kailangan lang naman natin marinig sabihin na (Oh)

[Chorus: Skusta Clee]
Sa dami ng maling nangyari
Hindi ko na rin masasabing
Kaya ko pa bang hindi ka iwan?
Kasinungalingan
'Wag tayong magkunyaring
Kaya pa rin natin na maging masaya
Huli na, ah-ah, ah, oh-oh

[Verse 2: Yuridope]
Nag-alala na lamang ang pagmamahal ay wala
Nagpapakatapat sa ngalan ng kapayapaan ng utak, ah
'Yaw na kitang hilahin palapit, sabihin mo nang tinutulak
Kaysa parehong malubog pa sa lusak ng mga sagutang 'di kaya ng usap
Kasi 'sang katutak na ang dahilan, sa halip na mali ang hanapin, 'yung makakabuti sa atin
Ay pwede din natin makita, kung 'di na tayo magkikita
Kasi sa aking palagay ay wala nang pahinga, makakaalis na'ng bigat
Makinig ka baka 'yung pagkakalas natin sa'ting dalawa ay hindi naman makakasira kasi
[Chorus: Skusta Clee]
Sa dami ng maling nangyari
Hindi ko na rin masasabing
Kaya ko pa bang hindi ka iwan?
Kasinungalingan
'Wag tayong magkunyaring
Kaya pa rin natin na maging masaya
Huli na, ah-ah, ah, oh-oh

[Bridge: Skusta Clee]
Kahit na isang beses lang (Oh, ooh-ooh-ooh)
Kahit na isang beses lang (Oh)
Ako ba'y iyong pakikinggan?
Isang beses lang para maliwanag

[Chorus: Skusta Clee]
Sa dami ng maling nangyari (Woah)
Hindi ko na rin masasabing
Kaya ko pa bang hindi ka iwan?
Kasinungalingan (—ngan, oh-woah)
'Wag tayong magkunyaring (Woah)
Kaya pa rin natin na maging masaya (Oh)
Huli na, ah-ah, ah, oh-oh