Yuridope
Saranggola
Kay tagal ko nang dalangin
Mahigpit mo akong yakapin
Hindi ko sukat akalain
Ang lahat ay magkakaganito
Sinasambit mo ang pangalan
Mga kamay ko ay hawak mo
Walang kasing tumbas na yaman
Ang pagkakataong ito

Bakit ngayon mo lang naramdaman
Sa dami ng mga taong nagdaan?
Tila tayo ay pising manipis
Upang hindi mapatid ay magtitiis

Na parang saranggola na hinihila pababa
Mga alaala nating dalawa
Sana ay mahanap mo ang tunay at totoo
Kung hindi sa piling ko, bitawan mo

Huwag umalis ang sinasabi (sabi)
Lahat ay gusto mong mabawi (bawi)
Mga nadarama'y nahati (hati)
Kilala mo pa ba ako?
Sa alaala nakatali
Salita na sari-sari
Na galing sa 'yong mga labi
Patalim na itinarak mo
Bakit ngayon mo lang naramdaman
Sa dami ng mga taong nagdaan?
Tila tayo ay pising manipis
Upang hindi mapatid ay magtitiis

Na parang saranggola na hinihila pababa (saranggola na hinihila pababa)
Mga alaala nating dalawa (alaala nating dalawa)
Sana ay mahanap mo ang tunay at totoo (sana ay mahanap mo ang tunay at totoo)
Kung hindi sa piling ko, bitawan mo

Sa huling pagkakataon, ikaw pa rin ang rason
Kung bakit ba ako nasa alapaap ngayon
Andami-dami kong gusto sana na itanong
Pero kung nandito na 'ko, balewala na din ang 'yong tugon
Kaya ang mangyari na ituon na lang ang pansin
Sa mga sumbat na huling maririnig na mula sa akin
'Di pa man ako nawawala, bakit ba ambilis mo agad tanggapin?
Nawalan ng pag-asa ba? Masalba ba nila?
Gustong-gusto kong sagipin
'Yun na lang naman ang dahilan kung ba't pa ako nabubuhay (buhay)
Sa mundo ko ay kumukulay (kulay)
Ikaw lang gusto ko sanang makasama ko
Hanggang sa kabilang buhay
Tila hinatid mo ko dun sa (sa) dapat ko na higaang-hukay
Kinulang ba 'ko o lumabis sa paglalambing, eh, bakit ka naumay?
'Yan lang ang katanungan kong nais magkasagot
Paliwanag na magpapaatras sakin sa liwanang, sumalubong
Pero malamang kung nais mong tulungan ako
Makabangon ikaw ay nandirito
T'wing mapapatalon ako sa saya o lungkot
Ikaw ang dahilan nito
Hangin sa 'king pisngi na kay sarap (ooh)
Kahit mga halik mo'y nagpanggap (ooh)
Haba ng byahe ko'y patapos na (ooh)
Bumilang ka ng segundong lima (ooh)

Na parang saranggola na hinihila pababa (saranggola na hinihila pababa)
Mga alaala nating dalawa (alaala nating dalawa)
Sana ay mahanap mo ang tunay at totoo (sana ay mahanap mo ang tunay at totoo)
Kung hindi sa piling ko, bitawan mo (bitaw)

Kay tagal ko nang dalangin
Mahigpit mo akong yakapin
Hindi ko sukat akalain
Ang lahat ay magkakaganito

Kay tagal ko nang dalangin
Mahigpit mo akong yakapin
Hindi ko sukat akalain
Ang lahat ay magkakaganito