Zack Tabudlo
Habang Buhay
[Verse 1]
Aking sinta, ano bang meron sa iyo
'Pag nakikita ka na, bumabagal ang mundo
'Pag ngumingiti ka, para bang may iba
'Pag tumitingin sa'kin mapupungay mong mga mata
Wala akong takas sa nakakalunod mong ganda, ha
Halika nga

[Chorus]
Tignan mo lang ang aking mga mata
'Wag kang titingin na sa iba
Akin ka na, wala nang iba
Andito 'ko hanggang sa ating pagtanda
Mamahalin kita basta't pag nahulog
Nakahawak ako, 'wag ka lang bibitaw
Habang buhay na ako'y iyo

[Verse 2]
Wala ng ibang nakagawa sa akin ng ganito
Kundi ikaw, nag-iisang diyosa ng buhay ko
'Wag ka nang matakot, 'wag kang mangamba
Andito ako 'pag ikay mag-isa
Wala akong takas sa nakakalunod mong ganda, ha
Halika nga

[Chorus]
Tignan mo lang ang aking mga mata
'Wag kang titingin na sa iba
Akin ka na, wala nang iba
Andito 'ko hanggang sa ating pagtanda
Mamahalin kita basta't pag nahulog
Nakahawak ako, 'wag ka lang bibitaw
Habang buhay na ako'y iyo
[Bridge]
Kahit ang likod mo'y kubang-kuba na
Kahit ang ulo mo'y puro uban na
Isasayaw ka hanggang sa pikit na ang ating mga mata
Wala naman na akong hiling pa
Basta't kasama ka habang buhay na
Kuntento ako basta't ikaw lang kasama
Ikaw kasama ko

[Breakdown]
Aking sinta, ano bang meron sa iyo
'Pag nakikita ka na, bumabagal ang mundo

[Chorus]
Tignan mo lang ang aking mga mata
'Wag kang titingin na sa iba
Akin ka na, wala nang iba
Andito 'ko hanggang sa ating pagtanda
Mamahalin kita basta't pag nahulog
Nakahawak ako, 'wag ka lang bibitaw
Habang buhay na ako'y iyo

[Outro]
Tignan mo lang ang aking mga mata
'Wag kang titingin na sa iba
Akin ka na, wala nang iba