Zack Tabudlo
Ba’t Ganto Ang Pag-Ibig
[Verse 1]
Gabi na naman at nakita kang muli
Nag-iisang naglalakad wala man lang katabi
Gusto kang samahan pero laging nagmamadali
Gusto kang kasama kahit sobrang saglit
[Pre-Chorus]
Pero ang hirap isipin kasi alam ko may iba
Okay na sa'kin basta't makita kang masaya
[Chorus]
Ba't ganito ba ang pag-ibig?
Pag-iisipin ng marami
Kahit anong gawin wala lang sa kanya
Tinuturing mong prinsesa
Kahit alam mong kaibigan ka
Hanggang sa dulo walang-wala pa rin sa kanya
Siya lang kasi ang nagpapasaya
[Verse 2]
'Di mo ata alam na andito lang ako
Pagkailangan mo nang tulong
Ako ang sasagip sa'yo
Magmumukha akong tanga para sa'yo
Basta't makita ngiti mo
Wala akong pake sa mundo
[Pre-Chorus]
Pero ang hirap isipin kasi alam ko may iba
Okay na sa'kin basta't makita kang masaya
[Chorus]
Ba't ganito ba ang pag-ibig?
Pag-iisipin ng marami
Kahit anong gawin wala lang sa kanya
Tinuturing mong prinsesa
Kahit alam mong kaibigan ka
Hanggang sa dulo walang-wala pa rin sa kanya
[Outro]
Gabi na naman at nakita kang pauwi
Nag-iisang naglalakad wala pa ring katabi
Tatabihan ka na ba para makasama ka saglit
Panahon na nga ba para ako'y umibig muli?