[Verse 1]
Dahan-dahan na
Kitang pinapakawalan
Hindi naman gan'to pinag-usapan
Gusto mo na lang ako na lumisan
Asan napunta
Pangarap nating dalawa nung tayo?
Asan na lahat ng ating plinano?
Hindi naman ito yung gusto ko
[Pre-Chorus]
Alam kong 'di perpekto
Pero ba't naglaho?
Ba't 'di pa ba kuntento?
Pagtapos ko ilaban lahat para sa iyo
Pa'no ako?
[Chorus]
'Di ba sabi mo no'n
Tayo na hanggang dulo, oh-oh
Asan na napunta?
Bigla kang nawala
Sabi mo no'n sa akin
Hanggang pagtanda
Ba't pa uunahin tadhana
Kung 'di ko na kaya
[Refrain]
Ooh-ooh, ooh-ooh
Ooh-ooh, ooh-ooh
[Verse 2]
Bakit ba kasi?
Sa dami ng ibang hindi kilala
Siya pala talaga ang 'yong kasama
Sa mga gabing wala kong madama sa'yo
Hindi mo na kailangan magsinungaling
Kitang-kita ko lahat, 'wag mo nang ibahin
Nagmumukha ka lang tanga
Hindi mo ba naisip man lang ba bago mo ginawa?
[Pre-Chorus]
Alam kong 'di perpekto
Pero ba't naglaho?
Ba't 'di pa ba kuntento?
Pagtapos ko ilaban lahat para sa iyo, oh
Pa'no ako?
[Chorus]
'Di ba sabi mo no'n (Sabi mo no'n)
Tayo na hanggang dulo, oh-oh
Asan na napunta?
Bigla kang nawala (Ah-ah-ah)
Sabi mo no'n sa akin
Hanggang pagtanda (Pagtanda)
Ba't pa uunahin tadhana
Kung 'di ko na kaya
[Outro]
Oh-oh-oh, oh-oh
Ooh-ooh
Ooh-ooh, ooh-ooh
Ooh-ooh, ooh-ooh
Ooh-ooh, ooh-ooh
Ooh-ooh, ooh-ooh