Lea Salonga
Tinikling
Tayo'y magsayaw irog ko ng tinikling
Tulad ng sayaw ng lolo't lola natin
Ang mga hakbang kung 'di pa kabutihin
Dalawang kawayan, tayo'y iipitin

Kung nagsasayaw ka giliw ng tinikling
Kupas ng kawayan kahit mapatulin
Ang mga binti mo'y kay hirap hulihin
'Sing ilap din ng puso mo sa paggiliw

At sa tinikling na tigib ng panganib
Ang hindi maingat iya'y maiipit
Pusong maharot, ganyan din sa pag-ibig
Ang nakakamit paghakbang ay ligalig

Ang nagsasayaw ay napapahalakhak
Sa mga kawayang kay ingay ng lagpak
Habang kasabay ang tugtog at palakpak
Ang nanonod man ay mapapaindak

Tayo'y magsayaw irog ko ng tinikling
Tulad ng sayaw ng lolo't lola natin
Ang mga hakbang kung 'di pa kabutihin
Dalawang kawayan, tayo'y iipitin

At sa tinikling na tigib ng panganib
Ang hindi maingat iya'y maiipit
Pusong maharot, ganyan din sa pag-ibig
Ang nakakamit paghakbang ay ligalig
Kung nagsasayaw ka giliw ng tinikling
Kupas ng kawayan kahit mapatulin
Ang mga binti mo'y kay hirap hulihin
'Sing ilap din ng puso mo sa paggiliw