Abra (PHL)
Diwata
[Chorus: Chito Miranda]
Kapag nariyan ka, bumabagal ang ikot ng mundo
Hindi kita dapat ginugusto pero natutukso
Ano man ang sabihin nila, hindi kita ipagkakaila
'Pagkat ikaw lang ang minamahal ko, oh, aking diwata

[Post-Chorus: Abra, Chito Miranda, Both]
(Uh, uh-uh, uh-uh)
(Aking diwata) Ikaw ang pinakamaganda
'Pag pinagmamasdan kita, parang nagmamalikmata
(Aking diwata) Tamang hinala, 'di makapaniwala
Na nakita na ang pinakamakinang na tala
(Talagang hiwaga) Walang katapat
Bagama't pinagbawalan, ipaglalaban ka sapagkat
Ikaw lang ang minamahal ko, oh, aking diwata
(Uh-uh, uh-uh, uh)

[Verse 1: Abra]
Naaalala ko pa nung una kang masilayan, nanghihinayang
Gustong-gusto kita kausapin makilala, subalit may kaba kaya nahihiya lang
Sinayang ang nakatakdang tadhana karapat-dapat nga ba na magkandarapa?
Sa isang prinsesa na may delikadeza kaysa sa gano'n baka sakaling game ka maging reyna
Date tayo, oo, ikaw at ako, liparin natin ang iba't ibang parte ng mundo
Tugma pa rin kahit sabihing hindi tayo bagay kasi tao tayo, si Maragsa at Malumanay
Kung sabagay, karangalan kong alagaan at pahalagahan ang natural mong kagandahan
Aminin ko man o hindi kapag nasa paligid, eh pasimple na ngumingiti, sana ka'ko tamaan
[Chorus: Chito Miranda]
Kapag nariyan ka, bumabagal ang ikot ng mundo, ooh-woah
Hindi kita dapat ginugusto pero natutukso, ooh-woah
Ano man ang sabihin nila, hindi kita ipagkakaila
'Pagkat ikaw lang ang minamahal ko, oh, aking diwata

[Post-Chorus: Abra, Chito Miranda, Both]
(Uh, uh-uh, uh-uh)
(Aking diwata) Ikaw ang pinakamaganda
'Pag pinagmamasdan kita, parang nagmamalikmata
(Aking diwata) Tamang hinala, 'di makapaniwala
Na nakita na ang pinakamakinang na tala
(Talagang hiwaga) Walang katapat
Bagama't pinagbawalan, ipaglalaban ka sapagkat
Ikaw lang ang minamahal ko, oh, aking diwata
(Uh-uh, uh-uh, uh)

[Verse 2: Abra]
Hangga't sa nagkakilala muli at unti-unti kang nakikilala, munti
Pang tumitiklop na parang makahiya, ah, naglakas loob, ah, d'yan sa kaliwa, ah
Ang daming pumipila, daig pa MRT pero 'di ba't sa pag-ibig mas kapit 'pag less than three
Anong sagot, pwede mo 'kong tanungin, may tanong ako sa'yo, pwede mo 'kong sagutin
Sana oo na lang din, susubukang abutin, panaginip lang kita, kaya gusto kong antukin
Oras na maghawak kamay baka bigla kang alukin, walang hiling na kapalit, gusto lang kitang mahalin, ah
Ikaw ang aking laging nais na makapiling, hindi Maria Clara kung 'di Maria Makiling
Binibining napakaganda at wagas, walang wakas, samahan mo 'ko, sabay tayong mangarap nang mataas
[Chorus: Chito Miranda]
Kapag nariyan ka, bumabagal ang ikot ng mundo
Hindi kita dapat ginugusto pero natutukso
Ano man ang sabihin nila, hindi kita ipagkakaila
'Pagkat ikaw lang ang minamahal ko, oh, aking diwata

[Bridge: Chito Miranda]
Nung nakita ko siya, 'di makapaniwala
Sa taglay niyang ganda, tinamaan din ako
Teka bakit ganito, ba't napapa-rap ako?
'Di ba sabi ko sa'yo, 'wag mo na akong isama?
Para 'kong nasilaw sa kasama mong diwata
Ngayon alam ko na ba't nasiraan ka nang ulo
Napapakanta ka na lang na parang ganito

[Chorus: Abra]
Kapag nariyan ka, bumabagal ang ikot ng mundo, ooh-woah
Hindi kita dapat ginugusto pero natutukso, ooh-woah
Ano man ang sabihin nila, hindi kita ipagkakaila
'Pagkat ikaw lang ang minamahal ko, oh, aking diwata

[Post-Chorus: Abra, Chito Miranda, Both]
(Uh, uh-uh, uh-uh)
(Aking diwata) Ikaw ang pinakamaganda
'Pag pinagmamasdan kita, parang nagmamalikmata
(Aking diwata) Tamang hinala, 'di makapaniwala
Na nakita na ang pinakamakinang na tala
(Talagang hiwaga) Walang katapat
Bagama't pinagbawalan, ipaglalaban ka sapagkat
Ikaw lang ang minamahal ko, oh, aking diwata
(Uh, uh-uh, uh-uh, uh)