Abra (PHL)
Tanyag
[Intro: Lydia Grant]
You probably think, you gotta get easy
You got another thing common
I mean you owe for one reason
You've got big dreams? You want fame?
Well, fame costs and right is where start you paying

[Verse 1: Abra]
Aminadong kabado, ang daming tao, paralisado sa entablado
'Di praktisado kahit kapiraso ng kinabisado kanina pa blangko
Ang aking isip, walang mahirit, napaka-init
Bago pa maisipan na bumangon ay bumangon na mula sa panaginip
At muling bumalik sa reyalidad, gusto pa ring ipakita ang kalidad
Para patunayan sa lahat na wala talagang kinalaman ang ating edad sa abilidad
Akoy lilipad sa alapaap (Up and away) hanggang sa kalawakan
'Pag ako ang siyang nagka-pangalan, pangako babaguhin ko ang galawan
Ipapakita ang kayang gawin sa lahat, balang araw pangarap maging alamat
Mabalitaan sa telebisyon at aklat, masabihan ng "Idol, galing mo mag-rap"
Pag-uwi ko ng bahay naligo, nagsanay, pag-kiss ko kay nanay alis na agad
At pagpatak ng alas diyes, 'yung pang-apat sa listahan pina-akyat
Puro tanong sa aking isipan, urong sulong, bakit tinginan?
Pano kaya kung magkatotoo 'yung kaninang napanaginipan
Isang pasada lamang ang byahe ng buhay
Tandaan hindi kumikinang ang dyamante sa buhay

[Chorus: Loonie]
Akala nila kilala ka nila at hindi mo sila kilala
Pero 'di ka nila kilala at kilalang-kilala mo sila
Mukha mo'y laging nasa magazine, dyaryo at iba pa
Bukas, makalawa malamang pambalot na lang ng tinapa, ng tinapa
[Verse 2: Loonie]
Buwis buhay MC, akala ko pa-easy-easy
Kailangan pa palang pag-aralan mo nang maigi
Ang galawan para talagang malaman mo ang
Pipiliin mong landas, pinipilit ilabas ang nakaipit na lakas
Kaso nga lang ngayon, masyado na 'kong busy sa kakasulat ko
Kumakapal lalo ang kalyo sa daliri
Nagkalat ang pangalan ko sa dyaryo at sa CD
Boses at mukha ko naman sa radyo at sa TV
Eksadyo 'to pag-ihi ko sa banyo may graffiti
Ng pangalan ko at kinikilala ng taong bayan
At mga bata na naka-tambay na maghapong nasa PC
Sa dami ng fans ko, talo ang factory ng 3D
Platinum lahat ng mga album ko at EP
Sikat na sa syudad, probinsyano in the city
"Masarap ba maging tanyag?" 'Yan ang tanong ko sa sarili
Matamis na mapait, masaya na may halong pagsisisi

[Chorus: Loonie]
Akala nila kilala ka nila at hindi mo sila kilala
Pero 'di ka nila kilala at kilalang-kilala mo sila
Mukha mo'y laging nasa magazine, dyaryo, at iba pa
Bukas, makalawa malamang pambalot na lang ng tinapa

Bukas makalawa malamang pambalot na lang ng tinapa
[Verse 3: Syke]
Ilang beses pinagtangkaang matanggal sa pagtanghal ako'y nagtagal at nanatili
Sa pinaglagyan kong kayo mismo pumili kaya nawili at 'di nawala, akala niyo lang kaya parang muling nagbalik
Akala ng ilan nakakulong lang kaya ngayon nanabik sa mic
At muling nausong parang bike, sight, Nike, fame, game, blame, shame, lame
Kamatayan ng apat ng mga gano'ng rhyme
Sapagkat nandito na'ng mga anak ko
Ako ang ama ng mga huwaran, ang mga dapat tularan
Magagaling kahit mga ampon ko lang at pa'no maging ako
Magpakuha tayo ng larawan ngunit 'wag mong ipagyabang
Ilabas mo na lang kung sa tingin mo may kaya ka nang patunayan
Sa katunayan, ang lahat ng mga 'yan ay nagsikap at naghanda
Kamtin ng pangarap kahit tumanda
Wala sa edad kung 'di nasa ganda ng mga nilikha
Ipapamukha mo pa ba sa'kin kung bakit 'di ako sumikat?
O umaga pa lang ngayon? Dis-oras ng gabi ako lumabas
Ipapamukha mo pa ba sa'kin kung bakit 'di ako sumikat?
O umaga pa lang ngayon? Dis-oras ng gabi ako lumabas

[Chorus: Loonie]
Akala nila kilala ka nila at hindi mo sila kilala
Pero 'di ka nila kilala at kilalang-kilala mo sila
Mukha mo'y laging nasa magazine, dyaryo, at iba pa
Bukas, makalawa malamang pambalot na lang ng tinapa
Akala nila kilala ka nila at hindi mo sila kilala
Pero 'di ka nila kilala at kilalang-kilala mo sila
Mukha mo'y laging nasa magazine, dyaryo, at iba pa
Bukas, makalawa malamang pambalot na lang ng tinapa
Mukha mo'y laging nasa magazine, dyaryo, at iba pa
Mukha mo'y laging nasa magazine, dyaryo, at iba pa
Mukha mo'y laging nasa magazine, dyaryo, at iba pa
Bukas makalawa malamang pambalot na lang ng tinapa
[Outro]
Music is a life force
Music is infinity
Music is eternity
They say that when people exist in the music world
Whether you are an arranger, musician, or a singer
To some extent, you are immortal