“Boy, ano, basketbol?”

“Late-late mo, gabi na.”

“Bakit? Duwag ka?”
[Berso 1]

Sarap ng tulog ko, so peaceful

May sumipa sa pinto, may dala mga pistol

Cops wanna pop us like your pimples

But your people [?]

Kahit handang sumuko, pinutok agad

Pagkatutok ‘yun ang utos ng pinuno

Mga naka all-black, pati masks

Pasensya na kung naka-olaps, nanghoholdap talaga

Naglalakad na nagso-social media na tanga

Pagka-like ng pic, tinutukan ko ng ice pick

Napaihi sa mata, Amin na relo mong init sa mata

Sabi n’ya, “Kuya, kakabili ko lang kanina.”

I don’t give a fuck! Akin na

“Pamilya ko walang kakainin

Kanin na inuulam sa asin.”

Bigay mo na, bago kita sapakin

Pagkapera, ‘lam ko na agad ang gagawin

Doon sa ‘di mahangin, magpalakas titig na

Okey, magttrip kakaiba kalas, buo ng mga makina

Yung pader ng kapitbahay laging humaharang sa akin, ah

Tulog na rin sila, pwede ‘tong wasakin na

Siyempre pagkapasok, gamit nyo ay akin na

Watch list at hit list, nasa isang pahina

Nakahiga’t basa na sa pula

Huli kong panaginip, ‘yun pala

One by one ko lang naiwan sa ina

One by one lang naiwan ko, tangina



[Berso 2]

Boy, boy, alam mo ba

Usap-usapan sa ‘min

‘Wag pakalat-kalat, baka damputin ka sa ilalim

Mahirap na ‘pag napuwing ka

Wag kang kakapa-kapa, baka mauling ka

‘Kala mo lotto kung mamili ng panalo

Tumbang preso ang laro, ika’y pamato

Sabi ko sa ‘yo ‘wag kang pakalat-kalat dyan

Kasi 'pag sinumbong ang kupal baka mapaglaruan, an

Kapit sa patalim, galaw pailalim

Umaasang maitawid ang gutom ko gabi-gabi

Kayod kalabaw, ‘di baleng ako’y uhaw

Sardinas laman ang plato kahit dami ng ampao ang naipon

Madumi palad pero malinis paglikom

Baka nagkamali ka lang, naku, hindi po

Ako yung biglang natikom ang labi

Nagising, katabi ko ginawang hipon

Bakit sa dami-dami, tanong ko lagi bakit

Mag-ingat sa pagduro, ang nuno dilat palagi

Bulubukutan ng hudas mga sabik humarit

Tao yung pawis pero parang sila ‘yung nakagamit

Narinig ko yung sirena, naku, andiyan na sila

Nakasuot na ng asul pero may mantsa ng pula

‘Di mo ba ako kilala? Alyas iba nga pala

Tinapon nga sa Pasay pero sa impyerno dinala



[Berso 3]

Tanginang pulis, ano ang aking kasalanan?

‘Wag nyo nga kong bino-boy, meron akong pangalan

Bakit yung iba nagpakilala ng husto?

‘Di man lang ginalang ang aking pagiging tao

Alyas ba tanga ika daw nga inyong tawagin

Dahil nakatungo at masama tumingin

Edad kwarenta'y singko tulad ng iyong baril

Kaya pinutok kasi ‘di agad nagpasiil

Ano ba’ng hawak nyong pruweba laban sa’kin?

Kung aking boses ang inyong pagsisinungaling

‘Di naman malalaban, wala ‘kong patalim

Bakit ba ang hilig nyo mantrip dyan sa madilim

Ni magnakaw nga, ‘di ko kayang sikmurahin

Sa tingin n’yo ba na kaya ko iyong gawin?

Na malikmata, hindi mo na akalain

Kasalanan na pala mapagkamalang adik

‘Di ba tulak-tulak ang inyong tinitimbog?

Porket sa lansangan lang lumaki at nahubog

Bakit pinapatay, pwede naman na ikulong?

Ang salot sa bayan, nasaan na ba’ng katarungan?

Sa ngayon ang hustisya ay nabibili

Aking buhay sa inyo ko pa lilimusin

Alipustahin, papaslangin n’yo lang ang taong bayan

‘Di ba kayo binabayaran?



[Berso 4]

Boom, shakatak, tatlumpo ay nabatak

Meron ba’ng natutumba ng mga kupal na parak?

Sa may amin sa linggo, baka raw pagkalito

Anikap, (what?) mukhang nakatutok sa akin ‘to

Ani mo, ini mini mayni mo ang bira

Mga may alyas na iisa, inisa-isa

Basta ba’t matuluyan, tunay na nakalista

Damay-damay na kahit pa walang matira

Tira-tirang pagkain, sira-sirang tirahan

May takot pang tirahin ang mga siga-sigaan

Gawa-gawa hidwaan, dagdag sa mga pasakit

Tulak ng kahirapan, kaya napapagamit

Bakit? Trabahong atag sa’min kakayanin ba

Ng puyat, gutom na katawan upang mainda?

Hindi naman sa pagpapalusot

Kabuhayan na, patayan na, patayan ba sagot?

Kamalian ba’y maitatama ng kamalian?

Mga mamamatay-adik, adik sa kapangyarihan

Bullet sa listahan, cash sa sobre

Timbangan ng batas nawawala na sa korte

Wala ng posas-posas, dapat ka bang matodas?

Namamasada lang naman ng bentekwatro oras

Sobra na sila, kailangan ng mag-isa

Balutan ang mag-anak, malayo sa pangamba

More by Kartell’em

All Kartell’em songs →