Eumee
Hati Na Lang Tayo Sa Kanya
(Eumee)
Nagtitiis kahit nasasaktan
Huwag niya lamang akong
Tuluyang iwanan
Hapdi at bigat ng nararamdaman
Ang paglalamig ng aking nalaman
Sino nga ba ang biktima sa'ting dalawa
Ngayong pareho na tayong kailangan siya
Handa akong magbigay at magpaparaya
Wag mo lamang tuluyang kunin siya
Pwede bang hati na lang tayo sa kanya
Sa’kin sa gabi, sa'yo sa umaga
Pwede bang minsan mo nalang
Hiramin ang pag-ibig niya
Hati na lang
Hati na lang tayo sa kanya
Nagtitiis pag kapiling mo siya
Habang kayo'y masaya, ako’y nagdurusa
Ikukubli aking nalalaman
Kung kukunin mo siya dun kita pipigilan
Sino nga ba ang biktima sa'ting dalawa
Ngayong pareho na nating kailangan siya
Handa akong magbigay at magpaparaya
Wag mo lamang tuluyang kunin siya
Pwede bang hati na lang tayo sa kanya
Sa'kin sa gabi, sa'yo sa umaga
Pwede bang minsan mo nalang
Hiramin ang pag-ibig niya
Hati na lang
Hati na lang tayo sa kanya
(JC Santos)
Isang umaga, nagising akong wala ka
Isang bakanteng unan at isang maluwag na kama
Hindi mo nakuhang magpa-alam
Kung saan ka pupunta o baka naman nalaman mong
Meron na akong iba at 'di mo kinaya
Sa wakas malaya na kaming makakapagsama
Hindi na namin kailangang magtago
Para walang makakita
Hindi na paulit-ulit itatanggi ang iyong mga pagdududa
Ngunit sa kabila ng masama kong hangarin
Bigla kung naalala
Una kitang sinuyo at niligawan
Isang matamis na ngiti
Sa bawat matamis na salita kong binitawan
Na magiging matatag tayo kahit ano man ang pagdaanan
Pero naging marupok ako sa tukso
At 'di ko to nakuhang labanan
Agad kitang hinanap, niyapos ng mahigpit na yakap
Na kahit hindi ka magsalita
Ang mga luha sa'yong mga mata'y nangungusap
Tinawag kitang baliw at wala sa katinuan
Pero ako pala ’tong mas malaki ang pagkukulang...
(Eumee)
Pwede bang hati na lang tayo sa kanya
Sa’kin sa gabi, sa'yo sa umaga
Pwede bang minsan mo nalang
Hiramin ang pag-ibig niya
Hati na lang
Hati na lang tayo sa kanya