Bagay Tayo

Bagay tayo

Bagay tayo
(eppe bless this beat!)

(CHORUS)

Di na ako mag dadalawang isip kung gusto kita

Kitang kita ko rin ang saya sa yong mga mata

Sa tuwing kasama mo ko

Sa tuwing kasama kita

Aminin mo na tayong dalawa ay bagay talaga

Bagay tayo

Bagay - bagay tayo

Bagay tayo

Bagay tayong dalawa

Hawakan mo ang aking kamay at lilipad na nang sabay

(VERSE)

Kanina ka pa kamo na tumatakbo

Dito saking isipan di ko mahinto

Tanging mga larawan mo

Ang gusto kong makita pagpikit ng aking mata sa panaginip ko

Ay merong tayong dalawa

Ayoko namang maging pantasya lang

Kung pwede naman nating tuparin ng magkasama talaga

Tayo lang

Sa paraisong naka tadhanang

Mapaibig saiyo ano pang hahanapin ko wala na

Mata mong sing kinang ng tala sa taas

Ako'y nadadala pwede ka bang mailabas

Punta tayo sa lugar kung san malayong mag wakas

Ang kwento nating dalawa huwag nating ipagpabukas

Ayoko muling umalis ng mag-isa

Gusto ko saking pagbalik ay kasama na kita

Alam mo bang takot na akong mag mahal pa ng iba

Pero simula nung makilala ka'y nalimutan ko na

(CHORUS)

Di na ako mag dadalawang isip kung gusto kita

Kitang kita ko rin ang saya sa yong mga mata

Sa tuwing kasama mo ko

Sa tuwing kasama kita

Aminin mo na tayong dalawa ay bagay talaga

Bagay tayo

Bagay - bagay tayo

Bagay tayo

Bagay tayong dalawa

Hawakan mo ang aking kamay at lilipad na nang sabay

(VERSE)

Oh! Alam mo ba na bagay tayong dalawa

Mahal na mahal kita hindi ko lang talaga sinasadya

Lakas na kasi ng epekot ng kagandahan mo

Di ko talaga inakala na magkakaganito

Ang tanging sarili ko

Sanay pag bigyan mo na ko

Di ko talaga matiis ang pagmamahal ko

San man tayo magtagpo

Ako ay nandito

Huwag ka mag alala basta kasama ka

Hanggang dulo

(CHORUS)

Di na ako mag dadalawang isip kung gusto kita

Kitang kita ko rin ang saya sa yong mga mata

Sa tuwing kasama mo ko

Sa tuwing kasama kita

Aminin mo na tayong dalawa ay bagay talaga

Bagay tayo

Bagay - bagay tayo

Bagay tayo

Bagay tayong dalawa

Hawakan mo ang aking kamay at lilipad na nang sabay

(VERSE)

Alam mong sa tuwing ikay aking nasisilayan

Agad ng nawawala ang mga pagod ko

Palaging hinahanap ang tamis ng yong ngiti

Sa tuwing ako ay binabalot na ng takot ko

Ikaw ang dahilan kung bakit na patuloy na

Ginagawa ang mga bagay kahit na magkamali

Tanging sayo lamang to maniniwala kahit na

Madami dyan na kung ano ano ang pinagsasabi

Susulitin mga oras na ikaw ang kausap

Kung makasama ka ay para bang nasa ulap

Hindi na nanaisin pang muling makahanap

Ng iba kasi ikaw ang sumagot sa pangarap

Di na makapagantay sa iyong pagdating

Bastat tatandaan mo lang kahit saan makarating

Meron nag sisilbing panata ang ikaw lang at ako

Pangako na kahit ano mangyare hindi lalayo

(CHORUS)

Di na ako mag dadalawang isip kung gusto kita

Kitang kita ko rin ang saya sa yong mga mata

Sa tuwing kasama mo ko

Sa tuwing kasama kita

Aminin mo na tayong dalawa ay bagay talaga

Bagay tayo

Bagay - bagay tayo

Bagay tayo

Bagay tayong dalawa

Hawakan mo ang aking kamay at lilipad na nang sabay

(VERSE)

Alam mo ba kapag andito ka

Bumibilis tibok ng puso at

Bakit ikaw ang laging nasa isip ko

Pag mulat ng mga mata

Ikaw ang hanap ko

Sa gabi ikaw ang nasa panaginip ko

Alam kong paulit ulit na lahat ng sinasabe ko kasi

Di ko mapaliwanag ang aking nadarama

Sana nga ay makasama na kita

Upang makita mo kung paano ako magpahalaga

At mapakita na

Ikaw ako at walang iba ay bagay talaga

Kahit na ano mangyari bastat

Tayong dalawa ang magkasama

Yun lang ang mahalaga