Nandiyan ka na naman

Tinutukso-tukso ang aking puso

Ilang ulit na bang iniiwasan ka
Di na natuto

Sulyap ng iyong mata

Aking nadarama kahit malayo

Nahihirapan na lalapit-lapit pa

Di na natuto

[Refrain]

Isang ngiti mo lang at ako'y napapaamo

Yakapin mong minsan at muling magbabalik sa 'yo

Na walang kalaban-laban

Ang puso ko'y tanging iyo lamang

O heto na naman

Laging nananabik ang aking puso

Muling bumabalik sa iyong mga halik

Di na natuto

[Repeat refrain]

Huwag mong gawing biro ang ating pagmamahalan

Ang puso ko'y tanging iyo lamang

More from Kami nAPO Muna: Tribute to APO Hiking Society (2006)

More by The Sound

All The Sound songs →