Yayoi
Kung Tayo Talaga
Anong nangyayare saten
Di mo ba napapansen
Puro away na lamang at parang wala ng
Gustong makinig sa isat-isa

Di ba't napakahirap isipin
Sumisikip na pareho itong mundo naten
Kailangan na sigurong ng pahinga
Lagyan ng konting espasyo ang isat-isa

CHORUS:
Dahil kung tayo, tayo talaga
Kailangang palayain ang isat-isa
Wag kang mag-alala di naman kita iiwanan
Kailangan lang ng pahinga
Wag kang mag iisip na papalitan na kita
Hindi ako bibitaw napagod lang talaga
Oras naman ang kailangan nating dalawa
Dahil kung tayo, tayo talaga

Mahirap din naman sa akin
Ang hindi ka kausapin
Ngunit kinakailangan ko na muna mag-isa
Konting agwat lamang upang makahinga

Masyado tayong nasanay na laging ganito
Wag munang magsalita at pakinggan naman ako
Kailangan muna natin ng pahinga
Lagyan ng konting espasyo ang isat-isa
CHORUS:
Dahil kung tayo, tayo talaga
Kailangang palayain ang isat-isa
Wag kang mag-alala di naman kita iiwanan
Kailangan lang ng pahinga
Wag kang mag iisip na papalitan na kita
Hindi ako bibitaw napagod lang talaga
Oras naman ang kailangan nating dalawa
Dahil kung tayo, tayo talaga


JAY'RHYME:
Matagal ko ding pinag isipang mabuti, kung pano ko masasalba
Yung sating ayokong masayang ng dahil lang tayo'y parehong nasasakal na
Mainam na din na magwalay saglit, kesa tuluyang magkalabuan
Mabuti na yung magparaya parehas kesa tuluyang magkasukuan
Ang mga pusong madalas na magtalo kahit wala na tayo sa lugar
Ayokong masayang ng ganun na lang ang lahat ng ating mga naisugal
Mas mabuting siguro ganito muna tayo ng sa ganon parehong makapag-isip
Ng paraan, ng ang magulong relasyon makaya pa nating masagip

CHORUS:
Dahil kung tayo, tayo talaga
Kailangan palayain ang isat-isa
Wag kang mag-alala di naman kita iiwanan
Kailangan lang ng pahinga
Wag kang mag iisip na papalitan na kita
Hindi ako bibitaw napagod lang talaga
Oras naman ang kailangan nating dalawa
Dahil kung tayo, tayo talaga
Kailangan palayain ang isat-isa
Wag kang mag-alala di naman kita iiwanan
Kailangan lang ng pahinga
Wag kang mag iisip na papalitan na kita
Hindi ako bibitaw napagod lang talaga
Oras naman ang kailangan nating dalawa
Dahil kung tayo, tayo talaga

OUTRO:
Tayo, tayo talaga
Wag kang mag-alala di naman kita iiwanan
Kailangan lang ng pahinga
(Ang mga pusong madalas na magtalo kahit wala na tayo sa lugar
Ayokong masayang ng ganun na lang ang lahat ng ating mga naisugal
Mas mabuting siguro ganito muna tayo ng sa ganon parehong makapag-isip
Ng paraan, ng ang magulong relasyon makaya pa nating masagip)